Abante Tonite Interactive

Gaudiel at Lim, 2 pa ineskapo ang Ateneo

By
1,603

Mga Laro Ngayon:
(Rizal Memorial Stadium)
2 p.m. – FEU vs AdU (Men)
4 p.m. – UP vs Ateneo (Men)

Naitakas ng defending champion Ateneo ang 5-4 panalo laban sa Far Eastern University kahapon sa UAAP Season 80 men’s football tournament sa Rizal Memorial Stadium.

Tumikada si Koko Gaudiel sa first-half sinundan siya nina Sam Lim, Christian Castillo at Ryan Haosen sa scoresheet para sa Blue Eagles na nilista ang 31 points at manatili sa segundo puwesto ng team standings.

May pag-asa pa ang Ateneo na masikwat ang top spot pagharap nila sa league-leading University of the Philippines sa final elimination matchday ngayong alas-4 ng hapon.

Kasalukuyang nasa tuktok ang Fighting Maroons na may 33 points mula sa 10 wins at tatlong draws.

Sa ibang kaganapan, pinasan nina Steven Anotado at Marvin Bricenio ang University of Santo Tomas upang butatain ang National University, 2-0 habang tinalbos ng University the East ang De La Salle, 3-1. (Elech Dawa)