Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gawang Pinoy dedma: DBM, DOH suki ng Chinese made PPE

0 221

Kahit may local manufacturer na ng mga medical grade personal protective equipment (PPE), hindi umano ito naisu-supply sa Pilipinas dahil hindi umo-order ang Department of Health at Department of Budget Management na responsible sa procurement.

Ito dismayadong pahayag ni Senadora Nancy Binay matapos malaman sa grupo ng mga local PPE manufacturer na sa ibang bansa nila ito pinapadala dahil walang order sa kanila.

“Nakakatawa no. Tayo ang magsu-supply sa labas, tapos yung sa sarili nating supply, hindi natin ma-supply,” pahayag ni Binay sa pagdinig ng Senado sa government program para sa pandemic hit industries.

Bago ito nanawagan ang mga local manufacturer ng medical grade PPE sa pamahalaan na bilhin ang kanilang sariling gagawang mga produkto.

Sabi ni Coalition of Philippine Manufacturers of PPE (CPMP) Executive Director Rosette Carrillo, hiniling umano noon ng gobyerno na gumawa sila ng medical grade PPE sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020.

Limang kompanya ang namuhunan ng US$35 milyon para produksiyon ng PPE. Subalit nagpataw diumano ang gobyerno ng ilang rule sa pagbili ng PPE at binalewala ang mga locally-made.

“We were subjected to the lowest cost and unfortunately, also at that same time, the Philippine market was flooded with very low-cost PPEs from China, some of them are even substandard,” sabi ni Carillo.

“We would like to call the attention of the Senate to hear the plea of the exporters, who have repurposed [their factories] and reinvested, to have the policies especially under the [Bayanihan] Act, to really focus on buying Filipino-made PPE,” panawagan pa nito.

Bukod diyan, nanawagan din si Carillo sa gobyerno na suportahan ang stockpiling ng PPE para makapag-secure na ng supply para sa mga future na health crisis. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.