Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gawilan humihirit sa Para Games

0 80

Puntirya ni 2020 Tokyo Paralympian swimmer Ernie Gawilan at dalawa pang kasama ang mahabang kalendaryo sa paghahanda para sa mga sasabakang mga kompetisyon sa 2022 gaya ng 4th Asian Para Games sa China at 11th ASEAN Para Games sa Vietnam.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ito ang ipinaabot ni national para swimming coach Tony Ong na humawak kay Gawilan at Paralympian Gary Bejino kasama si para athletics wheelchair racer Jerrold Pete Mangliwan sa online Philippine Sportswriters Associuation (PSA) Forum nitong Martes.

“Nagkataon sa atin hindi tayo nakapag-bubble (training) para sa 2020. Kung sa akin, kinuha na ang potensyal at mga atletang nag-qualify sa Paralympics gawin ang training camp na hindi na sila aalis doon sanay naman sila,” anang opisyal sa talakayang mga hatid ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart at Upstream Media. “Ang pagtatasa ay talagang mahabang panahon ng pagsasanay.” (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.