Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gawilan tuloy sa paghahanda

0 244

Hindi napigilan sa kanyang paghahanda para sa 16th Paralympic Summer Games 2021 sa Tokyo, Japan si Ernie Gawilan kahit limitado at hindi pa lubusang pinapayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang puspusang pagsasanay sa Davao City.

Ipinakita ni Gawilan, awtomatikong nag-qualified sa dapat sanang isagawa na ngayong buwang Tokyo Paralympics, ang pagbubuhat ng gawa lang na barbell habang nasa gitna ng malawak na bukid ang inaatupag niya.

“Naghihintay pa rin po sir,” bigkas ni Gawilan, na kabilang sa mga national differently-abled swimmer na naiinip na sa training. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.