Abante Tonite Interactive

GAY comedian, naisahan ng female host/singer

115

Hindi masasabing super-sikat si female host/singer kahit nakagawa siya ng isang role na kinaiinggitan ng mga kapwa niya babae at mga binabae.

Lagi siyang nawa­wala sa Philippine ­area of responsibility dahil tanggap siya nang tanggap ng raket sa ibang bansa.

Kapag andito ­siya sa lupang hinirang, konti lang ang raket n­iya. Kaya kahit maliit na raket, pinapatos niya para pantawid-gutom. Have rin siya ng hit songs pero ‘pag kinanta niya ‘yun saan mang show, nagko-chorus ang mga manonood, “Ay! Siya pala ang kumanta nu’n!”

Minsan, na-invite siya sa isang musical show. Kinanta niya ang kanyang hit song nang may ka-duet na super-high ang boses. Hindi siya nagpakabog.

After ng show, maraming nagsabing maganda ang boses niya pero bakit iba na ‘yung fezlak niya?

Dahil doon, tinulu­ngan siya ng gay comedian na makapag-guest sa mga TV show at mairaket na rin.

May isang babaeng yayamanin na nagha­hanap ng supergaling na singer. Ini-recommend ni gay comedian ang singer.

Nang marinig ni babaeng yayamanin si female singer, nagalingan siya at siney kay beking tumutulong na si ate na ang kukunin nya.

Magda-down payment na para sa show. Eh that time, hindi pwede si gay comedian.

Sinabihan ni gay comedian si female ­singer na diretso na itong makipag-usap sa produ­cer at balitaan na lang siya.

One week before the show, waaah na text or call si female singer.

Hindi na ito sumasagot sa text o tawag ni bading na nangungumusta kung OK na ang lahat.

Dedmatic na si ate.

Na-brainwash na p­ala siya ng baklitang kilala ang mayamang produ at doon na dumikit si ate dahil close to you ito kay rich madam.

Natapos ang show, dedma pa rin si ate.

May nagsabi kay gay comedian na binigyan si female singer ng bonus dahil umadlib ito na naghihirap na sa katutulong sa mga shupatid.

Sa gitna ng best a­ctress performance, humagulgol si ate at ibi­nirit nang mataas ang last song na gumaralgal sa dulo dahil sa kakaiyak.

Napag-alaman ni gay comedian na iniutos ‘yun ng baklitang nanghimasok para makakuha ng 30% na komisyon.

Sa ngayon, hindi pa rin nagtetext si singer kay gay comedian na ipinasa-Diyos na lang ang nangyari sa pagtulong niya.

***

“Bakit ganu’n? Maga­ling naman akong host. Magaling din akong kumunta. Gwapo rin naman ako. Bakit a­yaw nila sa akin?”

Sino ang nagsabi n­iyan?

Ang makahula, hihipan ko ang pusod!

***

Si actress ay isa sa may pinakamagandang mukha (next to me) sa showbiz.

Patok sa takilya ang mga pelikula niya. Ang teleserye, mataas ang rating at maraming commercials.

ok-happyLigawin pa! Ang daming boys na nagkakandarapa sa kanya.

Nasa kanya na halos ang lahat-lahat…

Buti na lang, hindi siya nagpapaapek­to sa mga kapatid n­iyang naghahari-harian sa kanilang lugar.

Madalas nasasangkot sa bugbugan ang mga kapatid lalo na kapag lasheng, hik!

Kaya pala nag-condo na si beautiful actress para hindi ma-stress sa mga katarantaduhan ng mga ka­patid.

Kapag may Q&A about her family, ang laging sagot niya, “We’re OK. We’re happy.”