Abante Tonite Interactive

Gay porn na kuwento kay Mark at sikat na actor fake news

4,448

HINDI pa man lumalabas ang librong Beyond The Mark ni Mark Bautista, ang dami nang nagkakalat sa social media kung ano ang nakapaloob dito.

Meron kaming nabasa sa isang blog na isang bahagi umuno ng kuwento ni Mark na kung saan inilahad ang karanasan niya sa isang guy friend na nagkaroon daw sila ng intimate relationship.

‘Yung kumalat na kuwento ay sobrang detalyado ang pagkukuwento sa nangyari sa kanila nitong guy friend, na malapit-lapit na sa gay porn ang dating ng kuwento.

Immediate-Hiring-Ads

In-exaggerate lang ang kuwento na ang dating sa mga nakabasa nito, itong si kilalang aktor ang tinutukoy.

Kawawa nga ang aktor na ito dahil nananahimik naman siya, biglang nakaladkad siya sa ilalabas na libro ni Mark.

Pero sabi ng ilang taong malapit sa male balladeer, sobrang safe daw ang kuwento at hindi ito ‘yung kumakalat sa ngayon. Fake news nga raw ito.

Mula sa kampo ni Mark, sinabi nilang huwag maniniwala sa lumalabas na kuwento, dahil wala pa talaga silang inilalabas na kabuuan nito. Abangan na lang daw ang paglabas ng librong ito bago matapos ang linggong ito.

Alden gustong isabak sa sexy film

BONGGA ang pa-birthday party ng BG Films International producer na si Baby Go na ginanap kamakailan sa Grand Ballroom ng Marco Polo Hotel sa Pasig.

Sabi kasi ni Madam Baby, 14 years old pa lang ay nag-asawa na siya kaya hindi raw niya naranasan ang mag-debut.

Kaya kung mala-debut ang birthday celebration niya nung nakaraang taon, nga­yon naman­ ay another debut pa raw na kung saan may dance number pa siya. At least nagagawa pa niya ngayon ang mga bagay na hindi pa niya nagawa nung kabataan niya.

Doon na rin sa birthday celebration ng BG Films produ ay in-announce nila ang mga susunod na pelikulang gagawin nila. May pito pa pala siyang naka-line up ngayong taon at kailangang tapusin daw niya ito.

Ipalalabas muna ng BG ang “Almost A Love Story” ni Direk Louie Ignacio na tinatampukan nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio. Itinuturing nina Madam Baby na mainstream movie ito, lalo’t ang halos kabuuan ng pelikula ay kinunan sa Italy.

Ang isa pang gagawin nila ay isang sexy horror movie na ididirek ni Joey Romero.

Balak nilang kunin sina Andrea Torres at Kim Domingo bilang leading ladies at si Alden Richards ang leading man.

Pero hindi naman umaasa si direk Joey na makukuha si Alden, pero maganda raw sana ang role.

Nakatono na raw kay direk na pang-R13 itong pelikulang gagawin kaya medyo daring daw ito.

Boobs nina Congrats at Tori nagkabungguan

TINIYAK ng buong cast ng sex comedy play na Solo Para Adultos na mas daring­ at mas matindi ang hubaran sa kanilang repeat na gagawin sa Music Museum sa February 10.

Sa rehearsal pa lang ay todo-bigay na raw sina Vivo Ouano at ng Mr. Gay World na si John Raspado.

Si John na raw ang nahihiya minsan dahil wala na ring kaarte-arte at inhibitions si Vivo.

Pero ang mas daring daw dito ay ang Protégé finalist na si Andres Vasquez.

Wala naman daw talagang keber sa hubaran si Andres, kaya itotodo na rin daw niya ito sa February 10.

Okay lang nga raw siya kahit frontal nudity, kaya ewan ko lang kung gagawin niya sa stage play na ito.

Ang concern naman ng dalawang babaeng bida na sina April ‘Congrats’ Gustilo at ng dating Wowowin co-host na si Tori Garcia, ay ang boobs nila na ubod ng lusog.

Halos pareho raw ang laki ng boobs nila na 36C ang kay Tori at 36B naman daw ang kay April.

Sa laki raw kasi, nagkakabungguan na silang dalawa sa rehearsal at pareho raw silang nabibigatan.

TIniyak ni Tori na mas daring siya rito sa kanilang repeat dahil wala na raw ang mommy niya na manonood.

“Kung last kasi namin na show, dumating ang mommy ko from Singapore para mag-watch. Kaya medyo behaved ako, nailang ako maghubad.

“Pero ngayon, hindi naman siya magwa-watch kaya maghubad na talaga,” sabi ni Tori.

Magsisimula ang stage play na ito ng alas-otso ng gabi, at dapat na simulan daw dahil sa opening pa lang todo na ang kaseksihan.