Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gay TV host maramot sa kasambahay

0 88

Bakit kaya ayaw maniwala ng mga dating kapitbahay ng isang pamosong gay TV host sa pagiging matulungin niya? Kapag naglilitanya ang becking TV host na siya na ang sasagot sa pangangailangan ng kalahok nila sa show ay nagtataasan ang kilay ng mga ito.

Ayon sa aming source ay walang ibang dapat ituro sa ganu’ng ideya kundi ang mga dati niyang kasambahay na nagkukuwento nu’n kung paano sila pagdamutan ng kanilang pinaglilingkurang becki.

Kuwento ng aming source, “Dati kasi, e, nalalaman ng mga kapitbahay niya ang ganap sa loob ng bahay ng becki. Nagkukuwento ang mga dating kasambahay niya. natural, kumalat nang kumalat ‘yun, kaya hanggang ngayon, e, naaalala pa rin nila.

“Wala na sa poder ng becki ang mga kasambahay, nag-alisan na, hindi kasi nila ma-take na sila ang nagmamalasakit at nagmamahal sa becki, pero sila pa ang pinagdadamutan!” unang istorya ng aming impormante.

Alam ng grupo ang kuwento. Binibigyan lang ng budget ng gay TV host ang kanyang mga kasambahay para ipambili ng lutong pagkain. Bihirang-bihira lang silang mamalengke.

Dagdag na kuwento pa ng aming source, “Di ba, kapag masama ang loob ng mga kasambahay, e, nagsusumbong sila sa mga kapwa nila maid of cotton? Sila ang nagpipiyesta sa kuwento, sila ang nagtsi-chikahan!

“Paminsan-minsan lang pala sila namamalengke, kapag may mga darating lang na bisita ang boss nila. Kapag walang bisita, kailangan nilang pagkasyahin ang allowance na ibinibigay ng boss nila sa pambili ng lutong food.

“Totoo ‘yun, saksi ang tindera ng turo-turo sa lugar nila sa kuwento. Du’n kasi bumibili ng lutong pagkain ang mga kasambahay ng becking TV host.

“Apat silang kasambahay na naghahati-hati sa konting ulam lang, kasi, ang driver ng TV host, e, kasama niya sa studio kapag nagtatrabaho siya,” madiing kuwento ng aming source.

Pero nagbabago ang tao, pati ang kanyang ugali, malay naman natin kung iba na siya ngayon sa pagtrato sa kanyang mga kasambahay.

SM food to go Banner Ad

Diretsong komento ng aming source, “Naku, ang naturalesa ng tao, e, nae-enhance lang, pero hindi nababago! Kaya nga umiirap ang mga nakakapanood sa kanya kapag very generous siya sa contestant, hindi raw totoo ‘yun, it’s a fake!” pagtatapos ng aming source.

Willie 6 buwan ‘di makatulog

Hinangaan ng ating mga kababayan ang ginawang pagpapakatotoo ni Willie Revillame. Humarap siya sa kanyang manonood nang walang pagpapanggap.

Anim na buwan siyang hindi makatulog nang sapat, pakiramdam ni Willie ay para siyang nahihilo na nasusuka, hindi niya alam kung paano haharapin ang alok sa kanya ni PRRD at ni Senador Bong Go na kumandidato bilang senador ngayong parating na halalan.

Pero nu’ng Huwebes nang hapon, hinarap niya na ang katotohanan, nagpakatotoo siya sa pagsasabing wala siyang kakayahang gumawa ng batas, ni hindi nga siya mahusay mag-Ingles, kaya masasayang lang ang botong ireregalo sa kanya ng ating mga kababayan.

‘Yun ang pinakamahalaga. Alam ni Willie kung ano lang ang kanyang kapasidad. Hindi siya nahihiyang aminin ang kanyang mga kakapusan.

Hindi rin siya dinisenyo para sa politika. Hindi niya gusto ang nagaganap na pag-aaway-away ngayon ng mga lingcod-bayan. Sa panahon nga naman ng pandemya, sa halip na ang pagtulong sa mga nagdarahop nating kababayan ang unahin ay bangayan nang bangayan ang mga politiko na nagpapataasan ng ihi, walang may gustong magpakumbaba.

Mananatiling host ng Wowowin-Tutok-To-Win si Wilie, pinalakpakan siya ng mga kababayan natin, matagal na kasi niyang napatunayan na kayang-kaya niyang tumulong sa sarili niyang paraan na wala siyang anumang pinanghahawakang posisyon sa ating pamahalaan.

Panalo ang desisyon ni Willie Revillame! Panalung-panalo ang kanyang mga tagasuporta sa hindi niya pagpasok sa politika!

Mabuhay si Kuya Wil!

Leave A Reply

Your email address will not be published.