Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gayoso, Azkals DT lusot vs Mendiola

0 189

Nagbunga ng magandang resulta ang pagbabalik bilang striker sa kaagahan ng second half ni Jarvey Gayoso, pinamunuan ang Azkals Development Team sa makabuluhang 2-0 panalo kontra kontra Mendiola FC Martes ng umaga sa 4th Philippines Football League (PFL) 2020 sa PFF National Training Center sa Carmona, Cavite.

Ibinalik ni national coach Scott Cooper sa kanyang pamilyar na puwesto si Gayoso upang palakasin ang atake ng ADT kung saan nagresponde naman ang dating Ateneo star sa pamamaigitan ng pag-iskor sa opening goal at tumulong din sa ikawalang goal na isinalpak ni Matthew Custodio.

Una itong panalo sa loob ng tatlong laro para sa national team hopefuls na nabigo sa United City FC at Kaya FC Iloilo sa una nitong dalawang laro.

“Gayoso’s performance as a striker has given me food for thought,” bulalas ni Cooper, isang Briton. “It is something that we can ponder on moving forward.”

Naisalba naman ni Mendiola goalkeeper Kenry Balobo ang ibinigay na penalty kay Marvin Angeles sa first half stoppage time matapos ang save din nito sa tangka ni Chima Uzoka. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.