Abante Tonite Interactive

Gazini ayaw pakabog sa Ms. Universe

489

Ngayong araw na ito, magkakalaman na kung ang ating Ms. Philippines Universe hopeful Gazini Ganados eh tatanghaling pinakamagandang babae sa buong sansinukob.

Kung siya ang papalarin, ito yata ang kauna-unahang back-to-back Ms. Universe victory para sa Pilipinas.

Ang diva that you love, pinanood ang preliminary performance ni Ganados at talaga namang nakaka-gana siyang panoorin dahil panalo ang kanyang figure at kayumangging-kaligatang skin tone, long legs at aura habang rumarampa na two-piece bikini ang suot.

Ayaw ring magpakabog ang kanyang shining, shimmering at splendid na golden gown na ang world renowned haute couture designer na si Cary Santiago ang may likha.

Mas maraming ooohhh at aaahhh rin ang tinanggap ng isa pang Santiago creation, ang kanyang national costume na ang inspirasyon eh ang haring ibon natin, ang Philippine Eagle.

Sa true lang ako sa national costume ni Gazini, bigla kong naalala ang “Mulawin” the television series at pelikula noong super megahit pa ang fanta-serye starring Angel Locsin at Richard Gutierrez.

Siyempre, hindi ko puwedeng i-associate ang national costume niya sa “Mulawin versus Ravena” dahil luhaan yun sa “FPJ’s Ang Probinsiyano,” huh. Ayokong maging luhaan ang ating kandidata.

Ang tanging kaba ko na lang, siyempre pa, eh kung gaano ka-biba itong si Gazini lalo na sa pagpapahayag at paghahatid ng kanyang mga mensahe at kung paano sumagot sa mga tanong na may kumpiyansa, sinseredad at siyempre pa, hindi pilit na pilit.

Alam naman nating lahat na ang kanyang hinalinhan ay si Ms. Universe Catriona Gray na best in pagkuda at hanash at ibang klase rin ang pag-awra at pang-halina.

Good luck and may God and the Universe conspire to give you the “Power of Unity” crown and the bragging rights, of course, Gazini Ganados. Laban, Pilipinas!

Nathalie aariba muli na Millennial Bomba Queen

Ang dapat naging Millennial Bomba Queen, si Nathalie Hart, parang gustong ibigay ang kanyang greatest performance of her starlet life kamakailan matapos itong magdramarama sa panayam nito kay Boy Abunda sa programa nitong Tonight With Boy Abunda kamakailan.

Hiwalay na ang dekolor at puti nila ng ama ni Penelope, ang kanyang baby girl. Juice colored! Kataka-taka at may tuliro factor ang hiwalayang ito?

Kakabugin ba nito ang hiwalayan nina Jomari Yllana at nanay of his two sons na na sinasabing bagong “abandonada” poster mommy dearest?

Eh ang hiwalayan ni Hart at ang ex-boyfriend, kaya bang ilampaso ang pamamaalam, na aking mahal moment nina Pia Wurtzbach at Marlon Stockingger?

Parang ang sagot nating lahat sa mga tanong ay hindi, no, nada, nay at nunca, huh! Kaya, sobrang deserving ba ang babaing dapat sumikat in a major, major way kaso naging bulag sa pag-ibig, hindi naging “maingat” kaya ayun, nipped in the bud ang pagiging istariray dapat?

Kaya Nathalie, huwag ka na muna magmahal muli, ‘wag muna mag-entertain ng thoughts of being in a romance again, palakihin mo muna si Penelope the best way you can at i-reclaim ang iyong Bomba Queen title hanggang wala pang nangangahas na agawin ito sa iyo.

Marami pa rin ang nananalig na ang dating trono at stature ni Ms. Alma Moreno during her heydays, maaring sa kasalukuyang panahon, ikaw ang karapat-dapat na tagapagmana. Hindi pa huli ang lahat, kaya mo pang magbalik loob sa iyong talanding self at show to your adoring public na mas lalo kang naging maalindog at kaakit-akit kahit pa nga nanay ka na.

Si Ate Lovely Ness nun, nakabalik at lalong sinamba after giving birth to Mark Anthony Fernandez, ikaw pa ba?

Basta dapat, ang motto mo in life, maging sensational box office Bomba Queen at huwag na mag-ilusyon na magiging best actress, huh!

Jomari, Priscilla nagkabalikan

Marami ang nang-uurirat sa diva that you love kung ano ang masasabi ko sa balikan diumano nina Jomari Yllana at Abby Viduya (Priscilla Almeda).

Ay, sa mga millennial, the WHO sa inyo si Priscilla?Paki-search na lang ang kanyang ngalan sa inyong paboritong search engine para malaman niyo kung gaano siya kasikat dati bilang bold nymphet of yore .

Pero teka lang naman, di ba may asawa si Priscilla? Malalaman natin ang real score sa lovelife niya oras na makapanayam natin,huh!

Yuki pabida ang kinis

Ang diva that you love, walang pagtataka at pagkahibang kung bakit sina Mesdames Jennifer Tapulgo-Galo, Justine Tapulgo at Josephine Tapulgo, ang trio na siyang dahilan kung bakit namamayagpag ngayon ang Beauty Wise at MOPPA Cosmetics sa merkado.

Sa okasyon ng ikalawang taon ng mga nasabing produkto, binigyang halaga, importansya at pagmamahal nila ang kanilang mga empleyado at distributors.

Ang nagdagdag kilig at init sa kaganapan, ang mapagmasdan up close and personal ang kanilang male celebrity endorser na si Yuki Sakamoto, na unang nabigyang pansin sa Bida Man segment ng “It’s Showtime.”

Sa true lang, matangkad, matikas, matipuno at kung ikaw ay isang tunay na “Rice Queen,” mamahalin mo agad-agad si Yuki, huh!

Perfect endorser nga siya para Beauty Wise dahil ang kinis-kinis nito, walang pores, ni walang hint of oil at paglalapot sa mukha.

Para ring ang bango-bango niya at may inggit akong naramdaman sa mga babaing nakulong sa kanyang bisig at yinayakap siya sa bewang, huh.

Maliban kay Yuki, ang mga naghatid kaligayahan pa sa payanig ay ang River Maya, Daniel Matsunaga, Joseph Bitangcol, Sephy Francisco, Morisette Amon at si Tuesday Vargas ang punong patawa at host.

Ang diva that you love, umasa na may Beauty Wise billboard si Yuki Sakamoto na talagang ibuyangyang niya ang kanyang makinis at malamang katawan. Yun lang. Charot! Hahahaha!