Abante Tonite Interactive

Gazini palit sa trono ni Catriona

498

Ni: Ronaline Avecilla

Nagwaging Bb. Pilipinas-Universe ang kinatawan ng Talisay, Cebu na si Gazini Ganados.

Sa paglabas pa lang niya na suot ang kanyang rosas na evening gown ay makikita mo na ang pagningning niya.

Malakas ang hiyawan sa tuwing lumalabas si Bb. Talisay, Cebu. Taglay kasi ng 23-anyos na beauty queen ang malakas na da-ting at awra ng isang Miss Universe candidate. Tala-gang may hagod sa puso ang bawat tingin niya at makikita sa mata niya ang pagiging beauty queen.

Katulad ni Binibining Pilipinas 2018 Catriona Gray, dati na rin siyang sumali sa Miss World Philippines, taong 2014 at pumasok bilang semifinalist.

Bukod sa title ay nasungkit rin ni Gazini ang Miss Photogenic at Best in Long Gown.