Abante Tonite Interactive

Gazini pampagana ng mga bosero

561

Primer­a klase ang taglay na ganda at alindog ni ­Gazini Ganados. Tiyak na magiging ganado ang lahat ng boys na ­makakakita sa kanyang porma.

Tunay na pang-Miss Universe ang tindig ni Gazini kahit saang anggulo man bistahan. Mula sa kanyang kaseksihan, sa legs niyang nakapaglalaway, at sa angking kagandahan ng dalaga, ang babaeng tipo ni Gazini ay nakapagbibigay ng good vibes at ngiti sa marami, lalo na sa mga male ­netizen.

Si Gazini ay isang 24 year old na fashion model at beauty queen na tubong Dapitan, Zamboanga del Norte. Siya ay may degree sa Tourism Management at certificate in Health Care Services sa University of San Jose Recoletos sa Cebu City.

Hindi man pinalad sa nagdaang Miss Universe pageant (although pumasok naman siya sa Top 20) na ginanap sa Tyler Perry Studios in Atlanta, Georgia, USA, sinabi ni Gazini na ibinigay niya ang lahat ng makakaya para sa bansa.

Hindi mabibigo ang mga kalalakihang sisilip sa Instagram account ni Gazini kung gusto nilang matunghayan ang kanyang kakaibang kagandahan. Dahil sadyang kapanta-pantasya ang kariktan ng dalaga.

Kakaiba ang lakas ng sex appeal ni Gazini, kaya sadyang mabibighani sa kanya ang maraming kalalakihan.

Sa wow na wow at havey na havey na beauty ni Gazini. Walang lalaking hindi mauuhaw sa kanyang masabaw na kariktan. Panalong-panalo kasi sa kanyang hotness ang beauty queen. (Nonie Nicasio)