Abante Tonite
Mabilis sa Balita

GCQ protocol sa simbahan pinalagan

0 190

Nais ng Simbahang Katolika na dagdagan pa ang bilang ng mga tao na puwedeng lumahok sa mass gathering sa mga simbahan na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Sa radio interview kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, inihayag nito ang naturang kahilingan sa pamahalaan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Pabillo, kung bibigyan ng mas maraming kapasidad ang mga negosyo sana ganundin ang gawin para sa mga simbahan.

“Parang `di naman tama na bibigyan mo ng 30 percent ang mga restaurant, tapos sa simbahan 10 tao lang. Mas malaki naman `yong simbahan kesa sa restaurant. Parang ‘di logical,” ayon kay Pabillo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.