Abante Tonite
Mabilis sa Balita

GCQ sa NCR hanggang katapusan ng 2020 aprub kay Año

0 99

Suportado ni Interior Secretary Eduardo Año ang hirit na ipako ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) status hanggang sa katapusan ng 2020 para mapabagal ang coronavirus disease infections.

“I support that particular stand of MMDA [Metropolitan Manila Development Authority] and Metro Manila mayors. Sa ngayon, kasi nasa three digits pa ang daily cases ng NCR (National Capital Region), ito pa ang sinasabing nating epicenter,” sagot ni Año sa mga reporter tungkol sa suhestiyon ng Metro Manila Council na manatili ang GCQ sa Metro Manila ngayong taon.

“Lalo na ngayon malapit na Christmas, ang tendency ng tao mag-get-together, mag-party. Nako, iyan ang pinakamahirap kung payagan natin iyan. Under GCQ, hindi pupuwede mga party-party so iyan ang unang-unang dahilan at gusto natin maitawid ang Paskong ito na kakaunti lang ang COVID cases natin,” dagdag niya. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.