Abante Tonite
Mabilis sa Balita

GCQ sa NCR pabor sa PBA

0 305

Magandang balita sa PBA ang hakbang ng pamahalaan na isailalim pa rin sa general community quarantine ang Metro Manila.

Sa inihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes, kasama ang National Capital Region sa mga lugar na isinailalim sa GCQ sa susunod na dalawang linggo.

Sakaling umakyat sa mas mahigpit na enhanced community quarantine ang NCR, malamang na madiskaril din ang balik ng liga.

“Magandang balita ‘yun,” ani commissioner Willie Marcial kahapon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Base sa deklarasyon, ang iba pang mananatili sa GCQ hanggang Aug. 15 ay ang Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Talisay City, Zamboanga City at mga bayan ng Minglanilla at Consolacion sa Cebu.

Binigyan ng Inter-Agency Task Force ang PBA ng go-signal na makapag-workout na, uumpisahan ito ng liga sa ikalawang linggo ng Agosto kapag natapos ang mandatory swab testing sa players.

“Soon as the teams take the swab tests and get the results, it’s a go,” anang PBA chief.

Isa pang magandang balita ang sinabi ng Pangulo na umaasang balik sa dating normal na ang sitwasyon pagdating ng Disyembre. Ibig sabihin ay makakapagpatuloy na rin ang liga. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.