Gelli, Ariel graduate ang anak sa Canada

NI BETH GELENA
Very proud na binahagi ni Gelli de Belen ang graduation ng anak sa Canada.
Nag-post ang aktres sa Instagram ng picture at video na kuha sa graduation ng kanyang anak na si Julio
Nagtapos ang anak sa York University sa base sa post ng actress.
Kasama ni Gelli ang mister na si Ariel Rivera sa graduation.
Nakaligtaan raw nilang magpa-picture nang magkakasama silang pamilya kaya kumuha na lamang sila ng picture nang nakauwi na sila.