Abante Tonite Interactive

Gelli, Ariel naadik sa K-drama

Iniwan ng mga anak:

242
Avid fan ng Koreanovela ang magaling at award-winning actress na si Gelli de Belen.
Katunayan, kung wala siyang pelikula o teleseryeng ginagawa, hobby niya ang pano­nood ng mga paborito niyang mga TV show mula sa nasabing bansa.
Magandang pastime rin daw ito para makalimutan nila ng mister na si Ariel Rivera ang pangungulila sa kanilang dalawang binata na nag-aaral sa Canada.
Sa kasalukuyan, naeengganyo na rin niya ang kabiyak na singer-actor sa panonood ng popular Korean TV series na “Something In The Rain.”
Bahagi raw ito ng bonding nila bilang mag-asawa.

 

Sinabi rin nila na ang sikreto ng matagumpay at mahabang pagsasama ay ang give and take at open communication sa kanilang relasyon.
Hirit pa niya, kahit minsang may pinagdidiskusyunan ay never pa raw silang nag-away.

 

Sa loob ng maraming taon ng kanilang pagsasama, never din daw silang nagkasawaan.

 

“Siyempre, we allow ourselves to grow pa rin. We have different set of friends, different interests. There’s always a lot to share, that’s important. We still are individuals aside from being a couple,” paliwanag niya.

 

Papel ni Juana Biglang-awa, asawa ni Ronnie (Rivera), isang junkshop operator na pumasok sa isang sindikato na sangkot sa pag-i-smuggle ng piso sa kagustuhang kumita ng mas malaki ang role ni Gelli sa “Sikreto ng Piso” ni Perry Escano.

 

Ito ang balik-tambalan nila pagkatapos ng 22-taon na hu­ling nagsama sa pelikulang Ikaw Pala ang Mahal Ko noong 1996.

 

Mula sa MPJ Entertainment Productions at JPP Dreamworld Productions, tampok din sa Ang Sikreto ng Piso sina Bea Binene, Lou Veloso, Long Mejia, Bever­ly Salviejo, Wacky Kiray, Ricky Rivero, Joyce Pilarsky Penas, Ernie Garcia at iba pa.