Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gender bias na module babaguhin ng DepEd

0 213

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na rerebisahin at babaguhin ng kanilang lokal na tanggapan sa South Cotabato ang mga module na hindi naka-align sa kanilang polisiya hinggil sa gender sensitivity.

Ito’y matapos na isang Grade 5 student sa lalawigan ang makapuna sa isang learning material na nagpapakita ng gender stereotyping o gender bias.

“The Schools Division of South Cotabato has already convened a meeting of concerned writers, evaluators, and supervisors to revisit and revise any module not aligned with our policy on gender sensitivity,” ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio.

Kaugnay nito, pinasalamatan rin ni San Antonio si Miguel Lapid, ang Grade 5 student na mula sa bayan ng Polomolok sa South Cotabato, na pumuna sa naturang learning material kaya’t nakarating ito sa tanggapan ng DepEd.

“This instance is proof that our learners, parents, and personnel are indeed engaged in their respective roles in advocating zero-tolerance against any form of gender discrimination in the community,” ani San Antonio.

Tiniyak naman ni San Antonio na hindi nila kukunsintihin ang mga ganitong uri ng pagkakamali.

Siniguro rin ni San Antonio na ipagpapatuloy ng DepEd Central Office ang monitoring at pinaalalahanan ang mga field office nito na isulong ang gender-equality standard at procedure sa paggawa nila ng mga learning material.

Nabatid na sa isang aktibidad sa naturang module na pinuna ni Lapid, dapat i-match ng estudyante ang pagkakaiba ng mga deskripsiyon ng mga babae at lalaki.

Base sa answer key, ang katangian ng mga lalaki ay malakas, astig at matapang, habang ang mga babae naman ay iyakin, mahinhin at paiba-iba ang modo.

“I feel that this is oddly gender biased since some males aren’t strong and tough but some females are. Also, some females aren’t fragile. In fact, many are strong and brave,” ani Lapid sa kanyang liham na sa DepEd. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.