Abante Tonite Interactive

General Salamat itatalagang MWSS chief

309

Isa pang military general ang nakalinyang mabigyan ng puwesto sa gobyerno.

Hindi pa man nakapagreretiro ay may naghihintay nang puwesto sa gobyerno para kay outgoing Northern Luzon Command Chief Lt. Gen. Emma­nuel Salamat.

Sa pagdalo ng Pa­ngulo sa ika-121 ani­bersaryo ng Philippine Navy sa Sangley Point, Cavite City, hinanap nito ang heneral at tinanong kung kailan ito nakatakdang magretiro.

Sa susunod na buwan pa matatapos ang military service ni Gene­ral Salamat at ipinaalam na ng Presidente ang plano nito para sa hene­ral.

Sinabi ni Pangulong Duterte na kapag pumayag si dating Army Chief Ricardo Morales na mapunta sa ibang tanggapan ay aalisin niya ito sa Metropolitan Waterworks and Sewe­rage System (MWSS) para siya ang ilagay sa posisyon.

“Kailan ka mag-retire sir? Kung papa­yag si Dick Morales, si Dick i-move out ko sa MWSS ikaw ang ilagay ko, then i will look for next general na…,” anang Pangulo.

Si Morales ang bagong administrador ng MWSS kapalit ni retired General Reynaldo Velasco na nakatakda namang gawin umanong chairman ng ahensiya. (Aileen Taliping)