Abante Tonite Interactive

Generals pinaluhod ng Stags

98

Umarangkada sa first quarter ang San Sebastian College para suwagin ang pangalawang sunod na panalo nang paluhurin ang EAC 79-54 kahapon sa FilOil Flying V Preseason Premier Cup sa San Juan.

Pinamunuan nina Michael Calisaan at Jason David ang ratratan sa first half nang hawakan ng Stags ang 24-6 bentahe sa first canto.

Kumana si Renzo Navarro ng 11 points, five assists at two steals para sa San Sebastian.

Hindi doon natapos ang pagmamasaker ng Stags sa Generals, nilista ang 64-39 abante papasok ng fourth quarter.

Nagtala ng tig-eight points sina Calisaan at David sa first two quarters at napaganda ng San Sebastian ang karta sa 2-1. Bokya pa sa panalo ang EAC sa dalawang laro.

“Maganda ang ipinakitang laro ng mga bata,” ani San Sebastian coach Egay Macaraya.

Tumipa sina Jerom Garcia at Hamadou Laminou ng 14 at 10 markers para sa Generals.