Abante Tonite Interactive

Generika balik semis sa pabida ni Mikaela

By
0 58

Mga laro bukas:
(FilOil Flying V Centre)
12:00 pm — FEU vs UE
2:00 pm — La Salle-Dasmariñas vs UP
4:00 pm — Foton vs Cignal
6:00 pm — F2 Logistics vs Cocolife

Ibinulsa ng Generika-Ayala ang unang ticket sa semifinals sa bisa ng 25-16, 26-24, 25-22 kontra Smart kahapon sa Philippine Superliga All-Filipino Conference knockout quarterfinals sa Batangas City Sports Coliseum.

Nagpakitang-gilas si Mikaela Lopez habang nagtulungan sa endgame sina Ria Meneses at Patty Orendain para sa Lifesavers na babalik muli sa semifinals.

Bantay sarado kay Lopez ang gitna, nagtala ito ng 16 points kasama ang 11 kills, apat na blocks at isang service ace para sa Generika-Ayala habang bumakas sina Mene­ses at Orendain ng 15 at 14 markers ayon pagkakasunod.

Nag-aabang ng makakalaban ang Lifesavers sa pagitan ng F2 Logistics at Cocolife sa event na suportado ng Isuzu, Mikasa, Senoh, Asics, Mueller, UCPB Gen at Bizooku at Genius Sports bilang technical partner.

Unang sampa ng Generika-Ayala sa semifinals, huli noong 2014 kung saan nagwagi sila sa All-Filipino at runner-up sa Petron sa Grand Prix of 2014.
“This game was very important for us because we lost to Smart in the Invitationals,” saad ni Lopez. “And now that we’re here in the semifinals, we will go out fighting.”