Abante Tonite Interactive

Genesis mabagsik, Adamson nakauna

0 198

Nakauna sa best-of-three finals ang Adamson Lady Falcons nang dispatsahin sa limang set ang UST Golden Tigresses, 25-23, 17-25, 16-25, 25-21, 11-15, sa 3rd PVL Collegiate Conference 2019 Finals Miyerkoles sa FilOil Flying V Centre.

Dumiliber ng game-high 21 points si Trisha Mae Genesis, 19 mula sa atake, kasama pa ang 16 excellent digs at 20 excellent receptions para kunin ng Adamson ang 1-0 series lead.

Katuwang ni Genesis sina Lucille Almonte at Lorence Grace Toring na gumawa ng tig-15 points.

Hindi umubra ang 19 at 15 markers ng magkapatid na Eya at EJ Laure, maging ang sariling 15 points ni Imee Hernandez para sa Golden Tigresses.

Hahataw ang Game 2 sa Sabado, alas-11 ng umaga sa parehong venue. (Aivan U. Episcope)