Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gentapa, CSB sinibak UPH

0 86

Nagkumplutan sina Jade Gentapa at Cristy Ondangan nang paeksitin ng Saint Benilde Lady Blazers ang Perpetual Help Lady Altas, 24-15, 25-12, 25-18, sa 97th National Collegiate Athletic Association women’s volleyball tournament elims sa Paco Arena sa Maynila Miyerkoles ng hapon.

Kumayod si Gentapa ng 15 points, habang nag-ambag si Ondangan ng 11 para sa eight straight win (8-0) ng Taft-based squad na lumapit sa matik finals at pinatalsik na ang mga balibolista ng Las Piñas sa semifinals sa 2-6 win-loss slate.

SM food to go Banner Ad

Matamlay sa hambalusan ang UPH at tanging bahagyang umangas si Janine Padua na umiskor ng walo. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.