Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gentleman Jim nagpasiklab

0 60

Nagpakitang gilas agad ang kabayong Gentleman Jim at si star jockey Jonathan Hernandez sa simula ng karera nitong Linggo sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan, Batangas.

Liyamado si Gentleman Jim at kahit matagal natengga’y nasilayan ang husay sa rematehan. Sumisirit siya at inagaw ang bandera kay Icon sa rektahan. Naglista siya ng 1 minuto’t 25.6 segundo sa 1,400-meter race.

“Ang husay pa rin ni Gentleman Jim kahit matagal ‘di tumakbo, ang galing pa rin,” ani Marcelo Castello, isang kareristang taga-Malabon.

Nanalo si Gentleman Jim ng may apat na kabayong agwat sa sumegundong si Silab. Tumersero si Icon habang pang-apat si Matriarchal. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.