Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Geoff nakauna kay Maine

0 1,100

NI: ARCHIE LIAO

Bago pa man nakilala ang phenomenal love team na Aldub nina Alden Richards at Maine Mendoza, aminado ang Dabarkads na si Maine na may iba siyang crush.

Bago pa rin sila naging mag-steady ni Arjo Atayde ay meron na rin siyang hinahangaang artista noon noong wala pa siya sa showbusiness.

Ito ay ang actor na si Geoff Eigenmann na naging guest kamakailan sa sikat ng segment na “Bawal ang Judgmental” ng longest-running noontime variety show na “Eat Bulaga.”

Sa nasabing segment, malakas ang loob na inamin ito ni Maine.

“Bossing (Vic), ang guest po natin today, TV and movie actor, my childhood crush—sinabi ko talaga—Geoff Eigenmann!,” sey niya.

Sa paggi-guest ni Geoff sa show, aliw na aliw namang pinapanood ni Maine ang kanyang pagkanta bago maglaro samantalang makikitang tila binibiro pa siya ng katabi niyang si Alden.

Pagkatapos ng kanta ni Geoff, pabirong sabi ni Maine na, “Grabe, Geoff ang galing mong…sumayaw!”

Ang pagsali ni Geoff sa nabanggit ng segment ng Eat Bulaga ang unang guest appearance niya pagkatapos magsara ang ABS-CBN.

Si Geoff ay dati ring Kapuso na nagbalik-Kapamilya.

May dalawa na siyang anak sa kanyang partner na si Maya Flores.

Leave A Reply

Your email address will not be published.