Abante Tonite
Mabilis sa Balita

George bumingwit, iba pa gumimik

0 321

Iba-iba ang pinagkakaabalahan ng NBA players na nasa Orlando bubble para sa restart.

Habang naghihintay sa muling pagsisimula ng season, hindi na rin poproblemahin ng mga ito ang buhok dahil may mag-aalaga na sa kanilang maggupit.

Sa kanyang post, pinakita ni ex-player at ngayo’y Nets player development coach Tiago Splitter ang itinatayong barberya sa Disney World.

Looking good na ulit sila sa pagsisimula ng mga laro sa July 30.

Kanya-kanyang hilig.

Sina Matysse Thybulle at Kyle O’Quinn, pinangunahan ang 76ers teammates para maglaro ng golf. Pumalo rin ang ilang Celtics.

Nag-fishing sina Darius Bazley ng Thunder, Ben Simmons at O’Quinn ng Sixers, Boban Marjanovic ng Mavericks, at Paul George ng Clippers.

Bitbit ng players ang kanilang gadgets sa bubble kaya marami ang naghamunan na maglaro ng video games, pinakapatok ang Call of Duty at Fortnite. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.