Abante Tonite
Mabilis sa Balita

George, Clippers nilunod Hawks

0 278

Sinaluduhan muna ng Clippers ang pagpanaw ni Hall of Famer Elgin Baylor Lunes ng gabi, pagkatapos ay tumapak sa Staples Center sa California na lulugo-lugo sa pagharap sa dayong Atlanta.

Pero umahon ang Los Angeles mula 22-point deficit sa third quarter para agawan ng panalo ang Hawks 119-110 sa 2020-21 NBA regular season game.

Dismayado na si coach Tyronn Lue sa nilalaro ng starters, puro reserves ang ipinasok niya sa third at nabaon sa 88-66 ang LA.

Ayaw bumigay ang second stringers kaya sumampa ang Clippers sa 28-16 win-loss slate, pinagulong ang kalaban sa 22-21.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinangunahan nina Terance Mann at Luke Kennard ang comeback, tinapos ng Clippers ang laro sa 53-22 blitz.

Tumapos si Mann ng season-high 21 points, walang sablay sa walong tira si Kennard kabilang ang apat na 3 at nilista lahat sa second half ang season-high 20 pts. tumapos si Kawhi Leonard ng 25 pts.

Nag-ambag si Marcus Morris ng 19 points, may 12 points at 9 rebounds si Ivica Zubac sa LA.

Namuno ang 28 points at 8 assists ni Trae Young sa Hawks. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.