Abante Tonite
Mabilis sa Balita

George, Clippers winasiwas Pacers

0 156

Inekisan ng Los Angeles Clippers ang unang four-game winning streak ngayong season sa bisa ng kumbinsidong 129-96 win laban sa Indiana Pacers sa 2020-21 NBA regular season game Linggo ng gabi sa Staples Center sa California.

Hindi si Kawhi Leonard kundi si reserve Marcus Morris ang bumida sa LA, kasama ang dalawang iba pa.

Absent si sharpshooter Lou Williams, nagbaon ng apat na 3-pointers si Morris tungo sa season-high 20 points. Mula long distance, 19 for 39 ang Clippers kumpara sa 11 for 38 ng Pacers.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I was wide open,” rason ni Morris. “If I can’t make a wide-open shot, I’m in the wrong business.”

Nagdagdag ang kapwa-reserve na si Luke Kennard ng season-highs 20 points sa limang 3s, may 20 markers din si Paul George. Tumapos si Leonard ng 17 points, 7 rebounds at 5 assists.

Sumagot ng limang 3s si Doug McDermott tungo sa 23 points para sa Indiana. May 19 points at 14 rebounds si Domantas Sabonis.

Nakadikit pa sa dalawa ang Pacers sa kaagahan ng fourth pero na-outscore sila 37-14 mula roon. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.