Abante Tonite Interactive

George giniba ang Minnesota

343

Sakit ng ulo si Paul George, sakit ng ulo rin si Kawhi Leonard.

Paano kung nagsabay ang dalawa? Giba ang kalaban.

Umiskor ng 46 si George, naglista ng 42 si Leonard, at kumapit ang Los Angeles Lakers para ibaon ang Minnesota Timberwolves 124-117 Biyernes nang gabi sa 74th NBA 2019-2020 regular season game.

“It’s special, two guys offensively,” ani George. “The good thing about it is, we’re dishing, finding each other, feeding each other.”

May unang 20 pares ng teammates nang umiskor ng 40 para sa isang team sa NBA, pero unang pagkakataon sa kasaysayan ng Clippers. Huling nangyari ito ay kasama rin ang pangalan ni George, dalawa sila ni Russell Westbrook sa Oklahoma City.

Previous high nina Leonard at George noong Disyembre 1 nang umiskor ng pinagsamang 65 points kontra Washington.

Maangas ding kumana ng 39 points at 12 rebounds si Karl-Anthony Towns sa Minnesota, pero talo sa pampitong sunod ang Wolves. (VE)