Abante Tonite
Mabilis sa Balita

George, Leonard muling raratsada

0 176

Babalik ng Salt Lake City ang Los Angeles at Utah na magkabuhol sa 2-2 ang NBA Western Conference semis.

Wala pang visiting team na nanalo sa serye, kinubra ng home team ang dalawang laro sa kani-kanilang teritoryo.

Humarurot ng tig-31 points sina Kawhi Leonard at Paul George para ihatid ang Clippers sa 118-104 series-tying win sa Game 4 noong Lunes sa Staples Center.

Nauwi sa best-of-three, unahan muli sa panalo sa Game 5 ngayon.

Nasa LA ang momentum, may iniinda pa ang star guard ng Jazz na si Donovan Mitchell.

Naitukod ni Mitchell ang kanang paa noon pang Game 3, nakalaro noong huli pero pigil bagama’t tumapos ng game-high 37 points.

Sina Joe Ingles (19 pts) at Bojan Bogdanovic (18 pts) ang nakatuwang ni Mitchell noong nakaraan, si Sixth Man of the Year Jordan Clarkson ay nalimitahan sa 8 pts. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.