Abante Tonite
Mabilis sa Balita

George pinakakalos sa NBA

0 283

Sa sunod-sunod na masamang laro ni LA Clippers forward Paul George, may mga nagpepetisyon na para mawala siya sa NBA.

Sa hakbang na pinasimulan ng Twitter user na si @vertvsworld, hinimok niya na sa ibang bansa na lang maglaro si George dahil tila hindi na bagay sa major league.

Lampas 5,000 na ang pumirma sa naturang petisyon, na aprub ding mag-overseas na lang ang basketball superstar.

Sa first round playoffs laban sa Dallas Mavericks, nag-a-average lang si George ng 15.3 points sa lugmok na 29.0 percent shooting, 22.2 percent sa three-point line.

Nanganganib din ang Clippers na masibak sa playoffs dahil tabla na ang serye sa 2-all kontra kina Luka Doncic at Kristaps Porzingis. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.