Abante Tonite
Mabilis sa Balita

George sinira gabi ng Lakers

0 81

Nag-gate crash sina Paul George, Kawhi Leonard at ang Clippers sa ring celebration ni LeBron James at ng Lakers sa opening night ng NBA Martes nga gabi sa Staples Center.

Nanatili sa kanilang locker room ang Clippers habang tinatanggap ng 2019-20 champion Lakers ang kanilang championship ring.

Pagkatapos, umiskor si George bg 33 – 26 dito sa second half – na dinagdagan ng 26 ni Leonard tungo sa pangdiskaril na 116-109 panalo.

Mula sa field ay 13 of 18 si George, may limang 3s. Hindi naghabol ang Clippers at nasungkit ni coach Ty Lue ang panalo sa kanyang debut sa LA.

Kumana ng 22 points si James, may 18 si Anthony Davis sa unang laro makalipas ang 72 days matapos kalusin ang Miami sa anim na laro sa Orlando bubble.

Inabot ng twisted ankle si LeBron sa second half at napigil sa 28 minutes lang. Mukhang hindi naman malala ang injury.

Pasiklab naman si Kevin Durant ng 22 markers, 5 boards at 3 feeds nang tambakan ng Brooklyn Nets ang dati niyang team Golden State Warriors sa isa pang laro, 125-99. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.