Abante Tonite Interactive

Georgina willing magpapisil ng puwet kay Sam

By
3,201

Nakakapagdeliryo ang kaseksihan ni Geor­gin­a Fortalejo, 23, at may sukat na 34-25-36.

Siya ay alaga ng pamosong talent manager na si Jojo Veloso at isa sa Viva Artist ngayon.

Bago siya naging flight attendant ng PAL ay napanood siya sa Wattpad, Pantaxa Season 3, A1 Ko Sa ‘Yo, Happinas Happy Hour.

“Nagpaplano ako ngayon ng business. Magtatayo ako ng salon. Kaka-resign ko lang as a flight attendant,” lahad niya nu’ng maka-chat namin.

Balak din niyang maging aktibo ulit sa pag-aartista.

Sino ang showbiz crush niya?

“Si Sam Concepcion. Matagal ko siyang crush, bata pa lang ako. Ha!ha!ha! Talented kasi at na- starstruck ako sa kanya,” sey pa niya.

Tinanong din namin siya kung ipapakulong din ba niya ang isang lalaki ‘pag hinawakan ang puwet niya sa bar at bastusin siya?

“Posible, puwede siyang makulong. Respeto na lang sa babae. Siguro bilang isang babae masasampal ko siya.

“Kung ako ‘yung girl na tipong liberated siguro no reaction kaso hindi ako ganoon eh,” reaksyon pa niya. Paano kung si Sam ang pumisil ang puwet niya? “Puwedeng-puwede. Ha! Ha! Ha!,” pakli niya na nagbibiro. (Roldan Castro)