Abante Tonite Interactive

Gerald 4 na beses mambubuntis

748

tonite-imo-vinia-vivar“Unbelievable” ang deskripsyon ni Gerald ­Anderson sa suportang ibinibigay sa kanya ng kanyang labs na si Bea Alonzo.

“Isa talaga sa nagbibigay sa akin ng inspiration at pagmamahal, siyempre, si Bea,” ang pag-amin muna ni Gerald sa estado ng relasyon nila ni Bea sa episode ng “Magandang Buhay.”

“Mahirap akong partner din, kasi tulad nito, ang dami kong ginagawa, ang dami kong gustong mara­ting, ‘yun, sana, mapatuloy ko ‘tong ginagawa ko nga­yon. Hindi ‘yan madali kapag may relationship ka.

“But ‘yung support na binibigay niya sa akin, walang kapalit, eh. ‘Yung parang unbelievable. ‘Yung ibang na-achieve ko, hindi ko rin magawa kundi dahil sa kanya. So, sobrang thankful ako,” sey ni Gerald.

Kamakailan nga ay nag-post ng sweet birthday message sa kanya si Bea at doon ay parang inamin na rin ng aktres na sila na nga. Nang matanong si Gerald kung ano ang masasabi niya rito, aniya, ay grabe ang appreciation niya for her and vice versa.

Natanong din ang aktor tungkol sa surprise birthday party na ginawa ni Bea sa kanya at aniya, talagang nagulat daw siya du’n.

“Na-surprise talaga ako. Nagkaroon ako ng hint nu’ng nandu’n na, kasi sobrang minamadali niya ako. Dapat, magdi-dinner lang kami. Usual­ly naman, minsan, ‘pag nauuna siya, umuuna ako, maghihintay siya sa kotse, maghihintay ako sa kotse, hanggang sa dumating ‘yung isa.

“Pero ito, maya’t maya, tumatawag sa akin, ‘san ka na?’ Tapos, wala pang 5 minutes, tumatawag ulit, ‘san ka na?’ Sabi ko, ‘ano to?’ Tapos ‘yung pang-apat na tawag, parang med­yo naiinis na ako, sabi ko ‘eto na nga, papasok na ako, hinahanap ko na ‘yung ano.’ Tapos pumasok ako, parang medyo madilim ‘yung lugar. Tapos, may nakakita akong kotse na kakilala ko ‘yung mga kotse. Tapos, patay lahat ng ilaw sa loob. ‘Oh my God, sinurprise ako.’
“Pero nakakatuwa dahil medyo mabigat ‘yung week na ‘yun dahil galing din po ako ng States nu’n dahil namatay ‘yung kuya ng tatay ko, ‘yung tito ko, so, that was the day na dumating ako, so ­medyo na-lighten up,” ­kuwento ni Gerald.

Nine years from now, ayon sa actor, ay gusto na niyang may pamilya na siya at may mga babies na. Ang pangarap daw niya ay 4 babies.

When asked kung gaano kasaya ang puso niya ngayon, ani Gerald, “Masaya. Sobrang grateful ako sa sitwasyon ko sa buhay ko ngayon.”
***

Kaye nawili sa Cebu

Nagustuhan na talaga ni Kaye Abad na tumira sa Cebu na hometown ng kanyang napanga­sawang si Paul Jake Castillo. Combination daw ng city at province ito kaya mas gusto niya talaga.

“Kung gusto mong mag-beach, mag-farm, ang lapit lang lahat. Kung gusto mo ng city, nandu’n na rin naman ang mga mall, nandu’n na naman lahat, so, mas relaxed ako do’n,” sabi ni Kaye nang makatsikahan namin sa presscon ng “Nang Ngumiti ang ­Langit” na comeback teleserye niya sa ABS-CBN.

Wala na raw siyang mahihiling pa at nagpapasalamat daw siya kay Lord na natupad lahat ng pinangarap niya tulad ng magkapamilya, magkaanak, maging housewife.

Dahil nga magkaibigan sila ni Paul Jake bago pa man sila nagkaroon ng relasyon, mas maganda raw pala ‘yun dahil alam na nila pareho ang flaws ng isa’t isa noon pa.

Kaya nang maging mag-asawa sila, alam na nila ang mga ugali ng isa’t isa.
May isa nang anak sina Kaye at Paul Jake, si Joaquin na mahigit isang taon na ngayon.