Abante Tonite Interactive

Gerald babangon muli sa unos

0 402

Sa kanyang pinakahu-ling Instagram post, tila nangangako si Gerald Anderson ng pagbabago matapos ang unos na naranasan niya.

Isang quote mula sa Japanese author na si Haruki Marakami na hango sa nobela nitong Kafka On The Shore ang ipinost ni Gerald na tila sumasalamin sa kanyang huling kontrobersya na pinagdaaanan with Julia Barretto and ex-girlfriend, Bea Alonzo.

“Once the storm is over you won’t remember how you made it through, how you manage to survive. You won’t even be sure, in fact, whether the storm is really over.

“But one thing is certain. When you come out of the storm you won’t be the same person who walked in. That’s what this storm’s all about.’ – Haruki Murakami, Kafka on the shore,” ang caption ni Gerald sa mga larawan niya na kuha mula sa kanyang training as reservist sa Philippine Army.

Umani ng libo-libong likes ang post na ito ni Gerald although naka-deactivate ang comments section.

Hanggang ngayon ay marami pa ring nangba-bash sa aktor dahil nga sa naaakusahan siyang “cheater” and “two-timer” kay Bea at si Julia nga ang itinuturong third party.

Bagama’t ipinaliwanag na ng aktor in his recent interview na walang third party sa hiwalayan nila ng aktres, marami pa ring netizens since hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng “away” ang dalawang babae dahil sa kanya. Matatandaang in the past ay nangyari na rin kasi ito sa magkaibigang sina Kim Chiu and Maja Salvador.

Hindi naman kasi si-guro magkakaroon ng gulo ang mga aktres na ito kung naging klaro lang sana sa kanila relasyon nila with Gerald, kung nagkaroon ng maayos na closure at hindi ‘yung naka-hang ang girl at pagkatapos ay magugulat na lang siya na may iba nang natsitsismis sa boyfriend.

Honestly, may problema si Gerald on handling his girls properly, kaya sana, ito ang mabago sa kanya dahil hindi rin naman maganda for any guy na lagi ka na lang may nasasaktang babae.

Kris nagparinig ulit ng pagpasok sa politika

Isang netizen ang lumampas sa linya nang insultuhin niya ang mga anak ni Kris Aquino at tinawag niyang “autistics” na talaga namang nakakalungkot dahil walang malay ang mga bata para idamay ng bastos na basher na ito sa kanyang “pagpapansin”.

Napakasakit nito para sa isang ina kaya naman naiintindihan namin si Kris nang sagutin niya ang basher and knowing her, talagang hindi niya ito palalampasin.

“I am replying in an educated way. Why my sons? Especially kuya josh?

Will you also shoot a gun because you want to experiment then tell the world after you have shot an innocent person SORRY, now I know what it’s like to be a killer?

“You aren’t a fan. You are a despicable coward. And I have every right to call you out because you threw the first uncalled for insult,” ang pahayag ni Kris.

Dagdag pa niya, ito raw ang dahilan kung bakit ninanais niya ring maging public servant – nais niya raw na siya ang maging boses ng mga special children and their parents.

“It is a person like you that inspires me to consider seeking elective office to fight for those without a voice, like special children, parents who cannot afford proper healthcare, and marginalized single parents.

“I am posting this separately because the arrogant fool may erase his original comment out of cowardice.”

Minsan pa ay nagbigay ng babala si Kris na huwag na huwag kakantiin ang mga anak niya at magulang dahil kung hindi ay talagang lalabas ang pangil niya.

“NEVER po ako nagsimula ng away pero KILALA nyo na ako, WAG ang mga magulang ko at WAG ang mga anak ko ang bababuyin kung ayaw lumabas ang pangil ko.

“Simple lang, diba. Lahat naman kayo alam ko pareho ang saloobin. Kung namatay na ang magulang ‘wag bastusin ang akala nila. At lahat ng mga magulang kapag anak ang hinamak, LALABAN,” pagtatapos ni Kris.