Abante Tonite Interactive

Gerald, Bea lovers in London ang peg

By
2,941

Nasa London nga ba ang rumored na in a relationship na sina Gerald Anderson at Bea Alonzo? Matapos i-fo­llow muli ni Bea si Ge sa IG, itong chika na sila ay nasa Inglatera, habang tumiti­ngin sa mga mamahaling mga kotse, patotoo na ba ito na all is well sa kanilang dalawa?

Kung hindi man sinusundan muli ni Alonzo si Pia Wurtzbach, dapat pa bang gawing national issue iyon? Maligayang-maligaya naman ang Philippines 3rd Ms. Universe sa piling ni Marlon Stockinger kaya hayaan na natin.

Ang importante, kung totoo ngang may pinagdaanang bagyo ang malapit sa isa’t isang sina Anderson at Alonzo, they survived the stormy weather part of their closeness at sa nga­yon, babe time na naman sila muli at sa London pa talaga, huh!

Spell B for bongga, ‘di ba naman? Happy couple number one nakakapampa-good vibes.

Rayver nakisalo kina Sarah at Matteo

Ang happy couple number 2 na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. Sa kanyang 28th birthday celebration, siyempre pa ang bisitang pandangal ay ang kanyang inamorata, si Sarah. Nagbakasyon din sila kasama ang pamilya ni Ma­tteo. Welcome na welcome sa familia Guidicelli at love talaga nila ang future kabiyak ni Matt.

Alam na alam naman ang pinaka-best sa buhay ni Guidicelli sa kasaluku­yan, maliban sa kanyang matatagumpay na negosyo at karera sa showbiz, ay ang katotohanang apat na taon na ang relasyon nila ni Sarah.

Hanggang ngayon pinag-uusapan pa rin ang pagdalo ni Rayver Cruz sa birthday party ni Matteo.

Ang taray! Ang past at present ni Sarah nasa iisang lugar at sa masayang okasyon pa. Patotoo ito na let bygones be bygones nga talaga.

Catriona perfect girlfriend kay Clint

Pampadagdag sa good vibrations ang pahayag ni Clint Bondad na si Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray ay ‘perfect girlfriend’ para sa kanya.

Limang taon na pala ang relasyon nina Catriona at Clint. At hindi natin pwede itanggi na they make a perfect pair.

May IG post si Bondad kamakailan kung saan makikitang tulog si Gray, parang bata pang musmos na nakahilig sa kanyang tatay habang nasa loob ng eroplano.

Ang father and daughter moment, para kay Clint ay nagpapasaya sa kanya in a major, major way kasi nga, “It speaks more than a thousand words and I just had to take a picture of this moment with Ian (dad ni Catriona) and her.”

Sabi pa ni Bondad sa panayam, “She loves her parents. One of the things I value most about her. It shows so much about a person’s personality or past.”

Ang nanay niya, love na love rin ang kanyang girlfriend at paandar pa nga ni Clint, “It’s no coincidence that everyone who gets close to her just falls in love with her.”

Dahil sa kuwentong ito ni Bondad, si Catriona Gray ay buhay na patotoo na she is beautiful not only on the outside, but also inside. Oh, laban pa ba?