Abante Tonite Interactive

Gerald dating playboy

456

Tapatang sinagot ni G­erald Anderson ang mga maiinit na katanu-ngan sa kanya sa “Tonight With Boy Abunda.”

Lalo na at naging tampulan sila ng tukso ng kanyang dating ka-love team at ex-girlfriend na si Kim Chiu. Nag-viral pa nga ang episode na ito ng “It’s Showtime.”

Muntik nang mag-walk out si Kim sa set ng noontime show.

Tinanong ang aktor kung totoo raw ba ang assumption na kinausap niya ang aktres sa backstage matapos ang nangyare?

Pag-amin ni Gerald, “Just to greet her a belated happy birthday. May small talk ng konti. We were talking about ‘yung nangyari sa stage.”

Bagama’t matagal nang natapos ang kanilang love team ay muling nag-reminisce ang mga KimErald fan at sinabing may chemistry pa rin ang dalawa.

Samantala, pinaamin rin si Gerald kung naging playboy ba siya noon.

Aniya, “I’ve had that stage, dumaan ako doon.”

Playboy man noon ang aktor, nasanay na siya. Hindi na niya iniisip ang nagiging assumption sa kanya. (Ronaline Avecilla)