Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gerald , Derek sapul kay Daniel

0 133

Halos isang araw pa lang ang Valentine vlog episode ni Kathryn Bernardo sa kanyang Youtube channel ay 2.5 million na kaagad ang views nito. Guest niya kasi ang real life sweetheart na si Daniel. Marami ang kinilig sa episode na yun na ang content ay “Questions I’ve Never Asked My Boyfriend.”

Marami ang humanga sa pagiging loving and loyal boyfriend ng aktor. Napa-sana all ang mga netizen tuloy dahil hindi nga naman biro ang 9 years na pinagsamahan ng dalawa as loveteam and as lovers.

Kinumpara tuloy ng mga netizen sina Derek Ramsay at Gerald Anderson kay DJ. Dapat lang daw ay kumuha ng tips ang mga ito sa aktor kung paano mag-alaga ng isang relasyon. Di hamak na mas bata raw si Daniel sa kanila pero mas nakikitaan ng maturity sa pag-handle ng relasyon nila ni Kathryn.

JoshLia gagawing pelikula ang ‘Paubaya’

Umabot na kaagad ito ng 11 million ang music video nina Joshua Garcia at Julia Barretto. Dahil sa laki ng views, tsika sa amin ng aming source ay pinag-uusapan na ang pelikulang muling pagsasamahan ng dalawa.

Ayon pa rin sa aming spy, ang kantang Paubaya ni Moira ang gagawing titulo ng movie. Ang desisyon ay galing daw sa management ng Kapamilya.

Barbie natikman ang unang karanasan

SM food to go Banner Ad

Kitang-kita ang happiness as couple nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial. Sobrang special daw ang Valentine’s Day na ito sa kanila ng gf dahil first time nila naranasan na mag-celebrate nito.

Pero hindi lamang sila ang mag-kadate dahil kasama nila ang kani- kanilang mga ina. Nakakabilib din talaga ang suporta ni Teresa kay Diego na lagi niyang kasa-kasama.

Chynna apektado sa kapayatan

Kapansin-pansin ang sobrang pagkapayat ni Chynna Ortaleza. Pero giit ng aktres all is well para sa kanya. Aminado naman siya na naapektuhan sa mga comment ng netizens na nagtatanong kung anorexic ba siya.Sabi niya dapat iniisip din daw ng iba ang feelings ng tao at ‘wag naman maging mapanghusga ang mga ito.

Ang importante sabi ni Chynna ay masaya ang pamilya nila ng asawang si Kean Cipriano.

Leave A Reply

Your email address will not be published.