Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gerald ‘di makalapit sa pagbisita kay Julia

0 564

Maraming kinilig na JuRald fans sa ginawa ni Gerald Anderson na pagbisita sa kanyang girlfriend na si Julia Barretto sa hotel na tinutuluyan nito sa Subic.

Naka-lock in taping kasi si Julia kaya kailangan niyang mag-stay sa hotel para sa mandatory quarantine na required ng produksyon.

Ang pagbisita ni Ge kay Julia ay featured sa kanyang bagong vlog na “My First Long Motorcyle Ride” kung saan sinamahan pa siya ng kanyang non-showbiz friends sa kanyang motorbike ride papuntang Subic.

Marami ang naka-appreciate sa pagi-effort ni Gerald na puntahan sa kanyang hotel ang kanyang nobya. Pero ‘di raw ito makalapit dahil sa mga health protocol, lalo na sa lock-in taping.

Pagdating sa hotel, dumungaw naman si Julia at binati ang kanyang boyfie.

Nag-exchange sila ng “I love yous.”

Nagpalipad din si Ge ng flying kiss sa actress.

Ani Gerald, hindi raw makausap sa cellphone si Juls kaya sinadya na niya ito to check on her whereabouts.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Biniro pa si Ge ng isang kaibigan na ang pakay daw ng romantikong boyfriend ni Julia ay para haranahin ito.

Nagtatalon pa ang actor at kita ang excitement na kung may magagawa lamang siya ay gusto niyang abutin ang kinaroonan ng Viva artist.

Kaso dahil bawal lumabas ni Juls sa hotel, hanggang tanaw na lang ang dalawa sa bintana.

Ilang netizens ang nagsabing obvious daw na in love si Gerald kay Julia dahil hindi nito natiis na hindi makita ang aktres despite the distance.

Dalawang beses pa raw itong nag-check sa aktres, sa umaga at sa gabi.

May isa namang bitchy netizen ang nag-hanash na baka raw ginayuma ni Julia si Gerald kaya sobrang in lababu ito sa aktres.

Kung dati raw ay hindi ganoon ka-showy si Gerald sa pagpapakita ng affection sa kanyang dyowa, iba na raw ito pagdating kay Julia.

Keber na rin daw kung anong sasabihin ng tao, basta ang mahalaga sa kanya ay kung paano niya mapapasaya ang kanyang lady love, bagay na hindi niya ginawa sa kanyang exes.

Leave A Reply

Your email address will not be published.