Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gerald ‘di pa ready pakasalan si Julia

0 288

Pagkatapos aminin ni Gerald Anderson na si Julia Barretto na ang bago niyang inspirasyon, tila nakalaya na sa tanikala ng panghuhusga ang dalawa.

Katunayan, parang keber na rin sila kung ano ang sasabihin ng mga tao sa kanila kaya lumalantad na sila.

Right after na umamin kasi ang aktor kay Julia sa panayam sa kanya ni Boy Abunda,nag-circulate ang isang photo na sighted sila sa isang event.

Sa press launch din ng kanyang endorsement, inamin niya na tulad ni Julia ay sumasagi sa isip niya na magkaroon na ng pamilya sa hinaharap.

32 years old na si Gerald samantalang si Julia ay nagpahayag na gusto niyang magkaanak bago mag-edad 30.

Gayunpaman, hindi raw naman niya gustong madaliin ang lahat dahil naniniwala siya sa tamang paghahanda at proper timing.

‘Is it the right time? I don’t think so. I think marami pa akong kailangang matutunan. Ang dami kong natutunan during the pandemic, mga lessons na tinuro sa ating lahat. So, I’m just taking my time and we’ll see. Malalaman niyo rin ‘yan,” sambit niya.

Hirit pa niya, gusto rin daw niyang maging stable muna ang kanyang finances bago sumuong sa pag-aasawa.

Bea ‘isusuko’ ang lahat kay Dom

Sa ikalawang bahagi ng kanyang vlog, sumalang sa lie detector challenge si Bea Alonzo kasama ang paboritong leading man niyang si Ian Veneracion.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagkaroon ng aberya ang lie detector machine kaya minabuti na lang ng dalawa na tanungin ang isa’t-isa at sila ang magsasabi kung sa palagay ba nila ay may nagsisinungaling sa tambalang Tondeng.

Isa sa naitanong ni Ian kay Bea ay kung handa ba itong talikuran ang lahat para sa pag-ibig.

Agad na sumagot si Bea na kaya niya.

Ngunit napag-isip-isip niya na baka hindi din niya kaya kung mawawala ang lahat sa kanya.

Binawi niya uli ang kanyang sagot at sinabing kung mamahalin siya nang totoo habambuhay ay kaya niya umanong iwan ang lahat.

Gayunpaman, aniya, kung totoong mahal siya ay hindi siya umano papipiliin na iwan ang mga bagay na gusto niyang gawin sa buhay.

Maraming shippers ang kinilig sa sagot ni Bea.

Anila, willing palang ipagpalit ni Bea ang lahat ng katanyagan at karangyaan para kay Dominic Roque.

Si Dom kasi ang rumored boyfriend ng aktres.

Matatandaan ding nang sumalang sa Jojowain o Trotropahin challenge si Bea kasama ang ina nito at parehong sinabi nila ang tipo ni Dominic ang gusto nilang dyowain.

Leave A Reply

Your email address will not be published.