Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gerald galante kay Julia

0 185

Ipinakita ni Gerald Anderson ang pagka-galante sa girlfriend nang regaluhan niya ng Rolex watch si Julia Barretto bilang Christmas gift.

Mapapanood sa YouTube vlog ni Marjorie titled “Christmas Eve with my Children” ang Christmas eve celebration ng kanilang pamilya sa bahay nila kasama si Gerald.

Highlight ng video ay ang exchange of Christmas gifts nila kung saan ay makikitang parang kasama na talaga sa pamilya si Gerald dahil may gift ang aktor sa bawat isa sa kanila and vice versa.

At nang ibigay na ni Gerald ang gift niya for Julia na isang box, kinantiyawan na ang aktres ng kanyang pamilya.

Makikita sa video nang buksan ni Julia ang box ay napasigaw siya sa tuwa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“This is my first Rolex,” sabi ni Julia.

Sinuot na niya agad ang mamahaling watch at niyakap si Gerald.

Pinuri-puri ng mga netizen ang sweetness and thougtfulness ni Gerald.

“Gerald is a listener. Alam nya kung ano right gift for Julia and the family! So happy to see him happy with the Barrettos! Merry Christmas Guys! Stay safe and happy everyone!!” komento ng isang netizen.

“Gerald really belongs to this kind of family.. beautiful people in one room..as in literally beautiful people.. ang aliwalas ng aura nila..and gerald too,he look soo happy and contented.. i really admire Marjorie for being a very hands on mommy.. look at all her kids.. happy new uear to all of you..” sey naman ng isa pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.