Abante Tonite Interactive

Gerald, gumiling-giling muna bago niromansa si Bea

193

NAG-MACHO dancing si Gerald Anderson sa set bago kunan ang love scene nila ni Bea Alonzo sa pelikulang How To Be Yours.

Kuwento ni Bea, bilang anatomy of a relationship ang tinatalakay sa pelikula at mature partners sila ni Gerald ay natural lang na meron silang intimate scenes.

Aniya, kapag mga ganu’ng eksena ay normal lang na nakakakaba lalo na ‘pag babae ka.

Pero ito na yata ang pinaka nakakatawang love scene na nagawa niya.

“Kasi si Ge, bigla siyang nagma-macho dance na ganyan. So, talagang matatawa ka na lang.

Kaya ang light lang nu’ng approach,” napapangi­ting tsika ni Bea.

Hindi makikita sa mismong eksena ang macho dancing routine ni Gerald.

Bago mag-take siya gumigiling-giling sa harap ni Bea dahil ang pini-play na music ni Direk Dan Villegas sa set ay medyo romantic para ma-set ‘yung mood nila.

So, bago mag-take ay nagma-macho dancing muna si Ge. Minsan, sa gitna ng eksena ay binibigyan niya ng konting pitik na sayaw, kaya natatawa si Bea.

Pero naging kompor­table si Bea at siya na rin dahil sa sexy dance niya na ‘yon.

“Sample!!” sigaw ni Bea kay Gerald nu’ng presscon.

Ang sabi ni Ge ay sasayaw siya, pero dapat ay kumanta muna si Bea.

Hanggang kantiyawan lang. Walang aktwal na sayawan at kantahan na nangyari.

***

First time magtambal ng ex-lovers na sina Bea at Gerald.

Kaya sabi ng Kapamilya hunk, suryal ang pakiramdam at parang hindi totoo na makakasama niya si Bea sa isang movie.

Nang i-offer ito kay Ge ay wala siyang hesitation, umoo siya agad.

Blessing ang turing niya rito, tapos si Direk Dan pa ang direktor, na nagdirek ng last movie niya with Arci Muñoz na Always Be My Maybe.

Si Bea, aminadong nu’ng una ay sobrang weird ng feeling dahil hindi sila sanay na nakikita sila together dati ni Gerald.

Ngayon ay magkatrabaho pa sila. Pero sobrang naging kompor­table sila sa isa’t-isa at makikita ‘yon sa pelikula.

Ang totoo, noon pa sila dapat magtatrabaho ni Ge together, pero la­ging hindi natutuloy.

Feeling ni Bea ay ngayon ang right timing na magtambal sila ni Ge sa pelikula.

Sa tanong kung posible ba silang magkabalikan, ang sagot ni Gerald ay sobrang komportable nila nga­yon ni Bea sa isa’t-isa ay ‘yun ang gusto niyang alagaan.

Gusto niyang i-enjoy ‘yung feeling na parang nagka-catch up sila at ine-enjoy ang company ng isa’t-isa.

He wants to make her laugh ay gusto niyang lagi itong nakangiti.

Gusto niyang i-maintain ang feeling na ‘yon kaya ayaw niyang i-complicate ang mga bagay.

Kay Bea kaya, possible ba ang second chance para sa kanila ni Gerald?

“Hindi ko po masabi, eh. Hindi ko talaga alam. Sa ngayon, parang hindi naman ‘yon ‘yung iniisip namin.

We’re just working on a project together na sobrang nag-e-enjoy kami.

“And I must admit, nag-e-enjoy talaga akong kasama siya. Like sometimes, I look forward going to the set to see him, to see direk. So, parang hindi ko kayang pumunta pa du’n as of now.

“Gusto ko lang i-embrace kung ano ‘yung nararamdaman ko nga­yon and that is enjoying every moment right now,” bulalas ni Bea.

Ang ganda nu’ng sinabi ni Bea na natutuwa siyang makita na sobrang nag-mature na si Ge.

Ang ganda ng growth nito at may natutunan ito sa mga pinagdaanan nito.

Aniya, ang daming natutunan ni Ge kaya ina-admire niya na natuto ito and he’s a better person now. Aside from the fact that he’s cute.

At isa pa, ngayong napag-uusapan na nila at napagtatawanan ang naging relasyon nila noon, ang ibig sabihin ay wala nang bitter feelings.

Sey ni Bea, it’s funny to talk about it samantalang dati ay parang ang bigat-bigat.

Masyado kasi nilang sineryoso eh bata sila noon, dapat pala ay nag-enjoy lang sila.

***

Sa usapang CLOSURE, ang paliwanag ni Bea ay nagkaroon na lang sila ng closure ni Gerald through time.

Nu’ng panahon na ‘yon kasi hindi ganu’n kalinaw ang lahat because it was just a short relationship.

Naisip lang ni Bea na sana, mas marami pa syang na-discover kay Ge. Hindi kasi nila napagdaanan noon ‘yung struggles ng mga karakter nila sa How To Be Yours.

“When I look back, parang gusto kong balikan ‘yung ano… ‘yung time na when we were together, ‘yun ‘yung ako na carefree, I was young.

“And he will always remind me of the time when I was carefree,” pakli ng 28-anyos na si Bea.

***

Kung si Gerald naman ang tatanungin, gusto nitong balikan ‘yung panahon na ang daming nangyayari sa career nila ni Bea, ang daming intriga at ang daming may ayaw sa kanilang dalawa, pero ‘pag magkasama sila ay nakakalimutan niya lahat ‘yon.

‘Pag magkasama sila, sobrang ine-enjoy niya ‘yung moment na nandu’n si Bea sa tabi niya, na lagi itong tumatawa kahit corny na ang jokes niya at lagi itong nakangiti.

‘Yung carefree Bea na ‘yon ay nakikita pa rin ni Ge ngayon, because she’s the same person pero version 2.0!

Sa July 27 ang showing nationwide ng GerBea/BeaRald movie na How To Be Yours.