Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gerald hirap makawala kay Bea

0 5,054

NI: ARCHIE LIAO

Naging panauhin ni Toni Gonzaga sa online talk show na I Feel U si Gerald Anderson.

Sa nasabing programa, nailabas ng actor ang kanyang saloobin kapag nahuhusgahan siya ng mga tao dahil sa mga kontrobersyang kanyang kinasasangkutan.

Naglabas din siya ng himutok tungkol sa mga taong napakadaling maghusga.

Sey pa niya, kung ang dating sa mga nagdya-judge sa kanya na wala siyang pakialam sa mga isyung ipinupukol sa kanya, aminado rin siya na minsan ay naapektuhan din siya lalo pa’t nahuhusgahan siya na kalimitan ay hindi alam ng mga tao ang mga sirkumstanya ng mga isyung ipinupukol sa kanya.

Aware raw naman siyang nagkamali siya pero ito raw ay sinasarili na lamang niya.

Hinaing din niya, feel niya, may mga taong gusto siyang pigain o mag-explain sa mga bagay na naging isyu sa kanya.

“Alam ko naman kung saan ako nagkamali. Ang dating para sa ibang tao na parang wala lang sa akin, or, kumbaga, nakikita lang naman ako pag may interviews. Pag may soap,” ani Gerald.

“Pero di naman nila ako nakikita kung paano ako sa bahay. Kung paano ko ina-absorb ang lahat ng ‘to.Na hindi ko sinasabi na parang ang dali lang sa akin, kung ano man ang pinagdaanan ko. Sa ating lahat, di ba,” paliwanag niya.

“Alam ko kung saan ako nagkamali. Alam ko kung ano ang dapat ko matutunan. Sa akin na po iyon. ‘Yung maraming tao, I think, parang gusto nila i-explain ko isa-isa. Hindi po ganun iyon e,”sey niya.

Dahil sa kanyang naging rebelasyon, kanya-kanyang komento ang bitchy kibitzers.

Hirit nila, napi-feel daw ng actor ang stigma ng pagiging babaero.

May mga nago-opinyon namang hindi na raw makakawala ang actor sa nega image nito dahil sa naging ghosting issue nito kay Bea.

Leave A Reply

Your email address will not be published.