Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gerald ‘inaasar’ si Bea

0 848

NI: ARCHIE LIAO

Ayaw tigilan ng mga kate-katerang at mga mahaderang tsismosa ang pagkakapareho ng posts nina Bea Alonzo at Gerald Anderson sa kanilang Instagram post.

May eme kasi si Bea na “Trust the timing of your life” sa kanyang post.

Nauna itong ipinost ng aktres.

Kamakailan naman may ganoon ding post ang ex ni Bea na si Gerald Anderson.

Sey tuloy ng mga netizen, stalker na raw ba ni Bea si Ge?

SM SuperKidsDay Banner Ad

Coincidental lang daw ba ang pagkakapareho ng kanilang post o talaga bang mega-spy ang actor sa kanyang dating gf?

Hirit ng ilang bitchy netizen, nang-aasar daw ba ang actor sa kanyang ex-flame?

O, baka raw naman, nagpaparamdam ito dahil gusto na nitong makapag-kiss and make up sa aktres lalo nga’t tulad ng sinabi niya ay naghihintay lang siya ng tamang ‘timing.’

Sa kanila ring mga post, napansin ng mga netizen na habang gumaganda si Bea ay tila raw naman napapabayaan na ni Gerald ang sarili .Nagmumukha na raw itong tatay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.