Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gerald iniinsulto sa Budoy

0 419

Proud si Gerald Anderson na hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa pagkatao niya ang hit teleserye niya in 2011 na “Budoy”. Ginampanan niya ang papel na mentally challenged. Hanggang ngayon kasi talaga ay ito pa rin ang tawag ng mga tao sa kanya.

Aniya ay isa raw ang nasabing serye sa highlights ng buhay at career niya.

“Career, because, mas napansin siguro ‘yung craft ko and sa buhay ko is because grabe ‘yung impact na nabigay ko sa mga magulang ng mga special children, sa mga special children mismo,” sabi ni Gerald sa isang panayam na inilabas ng ABS-CBN.

Kapag nasa mall daw siya ay may mga lumalapit sa kanyang mga nanay ng special children para sabihing malaki ang naitulong niya sa kanilang mga anak.

Pero aware rin si Gerald na ginagamit ng mga basher niya ang pangalang Budoy para insultuhin siya. Natatawa na lang daw siya sa mga haters na ito na kahit ano raw yata ang sabihin at gawin niya ay ayaw siyang tigilan.

“Unang-una, hindi ako nao-offend. Pangalawa, natutuwa pa nga ako na it’s been so long and naaalala n’yo pa ‘yung karakter na ‘yun, so yung nag-bash sa ‘kin, isa ka rin sa mga nanood,” aniyang natatawa.

“Iyong magbigay ng hate — even not using Budoy — it shows your character. For you to use the character of Budoy, isang special child, paano mo nata-type ‘yun?

“Ano’ng tumatakbo sa isip mo, right? Para mag-hate ka and to use ‘yung ganoong klaseng tao- ‘yung character na ginampanan ko – to get back at me for whatever reason kung bakit ayaw mo sa akin,” aniya.

Bagama’t hindi naman daw siya naaapektuhan ay nalulungkot siya sa nangyayari sa social media.

“There’s so much hate sa social media, so much hate,” sey niya.

Pero idiniin niya rin na kahit paulit ulit pa siyang tawaging Budoy ay mananatili siyang proud sa seryeng ito.

“I will forever be proud of Budoy. Kahit paulit-ulit mo akong tawagin na Budoy buong buhay ko, it’s something I’ll always be proud of,” he said.

KimXi wish ni Melai na magpakasal

Sa salitang Cebuano binati ni Melai Cantiveros ang birthday girl na si Kim Chiu since pareho silang Bisaya.

Bahagi ng mensahe niya ay gusto na raw niyang makita na maging mag-asawa sina Kim at boyfriend nitong si Xian Lim.

“Happy Happy Bday sa akung Miga @chinitaprincess na Gwapa ,Sexy , Buutan ug Manggihatagun ♥️♥️♥️ Padayun sa paglambo miga kay ikaw ang usa sa miga naku na kina buutan, Pangandoy naku na makita mu ni @xianlimm magminyo pohon ug makakita ug mga gagmay nga kimmy , mis u miga enjoy ka sa imung bday ,Ta Ta Ta Mangatawa ka pohon ba,” ang birthday message ni Melai kay Kim na nagdiwang ng kaarawan last Monday, April 19.

Sa Tagalog ay ito ang ibig sabihin ng message ni Melai: “Happy happy bday sa aking kaibigan @chinitaprincess na maganda, sexy, mabait, at mapagbigay. Patuloy ka sa iyong tagumpay friend dahil ikaw ay isang kaibigan na mabait, pangarap ko na makita kayo ni @xianlimm na mag-asawa balang araw at makita ko na ang mga maliliit na kimmy, miss you friend, enjoy ka sa iyong kaarawan, ta ta ta, magtatawanan tayo balang araw.”

Sumagot naman si Kimmy sa salitang Cebuana rin. Aniya, “Hahahhahahahahha nahimoot ko sa imo miga!!! Hahahaha thank you kaayo ha? Love jud kaayo tika ba! Salamat kay buutan jud kaayo ka ba! Katawanan pa sa tanan na katawanan sa tibook kalibutan!!! Love u miga! Gwapa kay ka always!”

In Tagalog, “Hahahhahahahahha natutuwa talaga ako sa’yo friend!!! Hahahaha Salamat talaga. Mahal na mahal talaga kita Salamat at napakabait mong tao! Kinagigiliwan pa ng lahat sa buong mundo!!! Love you friend! Ang ganda mo talaga lagi!

Nagsisagutan din ang mga Bisayang netizens at aliw na aliw sila sa sagutan ng dalawang produkto ng Pinoy Big Brother.

Leave A Reply

Your email address will not be published.