Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gerald iwas kay Julia

0 472

Bakit kaya hindi masagot ni Gerald Anderson ang katanungan kung nagdi-date sila ni Julia Barretto? Oo at hindi lang naman ang sagot.

Bakit umiiwas pa rin siya nang tanungin ng press?

May paandar pa siyang respeto na lang daw sa kampo ni Julia na wala sa proyektong ginagawa niya ngayon.

Dagdag pa niya ganoon din daw ang character niya na I mind my own business.

E, di wow!

Arci talunan sa lalaki

Aminado si Arci Munoz na hindi siya masuwerte sa kanyang lovelife. Lagi siyang talunan pagdating dito.

Hugot pa niya ay hindi siya magaling sa bagay na ‘yan. Ginawa na raw niya lahat pero iniiwanan pa rin siya.

Todo bigay pa naman si Arci pag may boyfriend kesehodang makalimutan umano ang sarili. Nilalaanan niya ito ng panahon, pero sa bandang huli ay nawawalan ng saysay kahit buhos siya sa pag-ibig.

Right now, ini-enjoy niya muna ang pagiging single.

Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.