Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gerald, Julia ‘di magkakatuluyan

0 592

Bagama’t very vocal si Julia Barretto na gusto na niyang magkapamilya in the near future, marami ang humuhulang possibleng hindi pa rin sila magkatuluyan ng boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Ito rin ang hula ng radio and TV personality/talent manager na si Ogie Diaz na sinabi niya sa kanyang YouTube vlog kasama si Mama Loi.

Sa obserbasyon ni Ogie, si Gerald daw ang mukhang hindi pa ready emotionally. Pero kung halimbawa raw na magpo-propose ang aktor ngayon kay Julia, aniya ay tatanggapin daw ito ng aktres.

“Ako kasi, feeling ko, ‘yung pagkakakilala ko kay Gerald, parang hindi pa siya talaga emotionally stable. Feeling ko ‘yung financial stability, gusto niyang ma-assure ni Gerald ‘yun,” ani Ogie.

Bukod pa dito ay bread winner din daw si Gerald.

“Mas maganda, enjoy-enjoy muna kayo,” payo ni Ogie sa dalawa.

Tinanong ni Mama Loi si Ogie kung sa tingin ba niya ay sina Gerald at Julia na ang magkakatuluyan, hindi agad na diretsong sinagot ito ng manager ni Liza Soberano.

Sey niya, bagama’t matagal na raw siya sa showbiz at ilang beses na ring nasaksihan ang journey ng mga showbiz couples, mahirap pa rin daw sa kanya ang magsalita.

Nagpaaala rin siya na huwag sanang masamain ng fans ang sasabihin niya.

“Since kabisado ko ang showbiz, so parang malakas ang loob ko na magsalita,” aniya.

“Feeling ko, hindi sila ang ending,” he said. “Iyon naman eh pakiwari ko lang naman pero kaya nilang bawiin ang hula ko,” aniya pa.

Kung magkakamali raw siya, eh di sorry.

“Kung talagang nagmamahalan sila, eh di prove me wrong,” sabi pa ni Ogie.

Pia bilib sa Bayanihan ng Pinoy

Pabor ba o hindi si Pia Wurtzbach sa mga nagsusulputang community pantry? Ipinahayag ni Miss Universe 2015 ang kanyang opinyon tungkol sa kontroberyal na “modern bayanihan” nang may magtanong nito sa kanya sa Twitter.

Of course as Miss U ay may weight ang anumang opinyon ni Pia sa mga issues sa bansa at bilang beauty queen pa rin na sanay sa Q&A, mahalaga rin namang masagot niya ang mga itinatanong sa kanya.

“Comment naman Pia sa Community Pantry dito sa Pinas, what you think?” tanong ng netizen.

Ayon kay Pia, ang community pantry ay isang pagpapatunay na hindi pa rin namamatay ang spirit ng Bayanihan sa bansa.
“Thanks for asking me this! I took some time to really think about it and really understand better what we are faced with as a nation. For me, the community pantry is a really good initiative. Yet again, it is proof of the undying spirit of Bayanihan,” aniya.

Pero naiintindihan din naman daw niya ang takot ng mga tao as far as health protocols are conceened.

“However, I also understand all the hesitations and concerns esp. with health protocols.

“It’s been a year since the pandemic hit and everyone is just trying their best to survive. I think it’s a call for us to help in any and every way that we can. Share what we can, stay home if we can,” patuloy ni Pia.

Sa huli ay hinimok niya ang mga tao na magpabakuna laban sa COVID-19.

“Get vaccinated.. soon as we get the opportunity. It’s a great reminder of what we can achieve together.

“We can and we should demand a better system,” pahayag ng beauty queen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.