Abante Tonite Interactive

Gerald-Julia umiwas sa party ni Rayver

2,670

Thirtieth birthday ni Rayver Cruz nu’ng Sabado, July 20, kaya may pa-party siya that night sa The Brewery at The Palace sa BGC.

Present ang best friends ni Rayver na sina Gerald Anderson at Enchong Dee, na kahit hindi na niya ka-network ay super-close pa rin sa kanya.

Nandu’n din ang iba pa niyang tropa gaya nina Edgar Allan Guzman (with girlfie Shaira Diaz), Julia Barretto, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Jose Sarasola, Arron Villaflor, Inah de Belen at ang leading lady ni Ray sa “Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko” na si Kris Bernal.

Of course, hindi puwedeng mawala si Janine Gutierrez. Nakita namin sa IG Stories nina Kris at Inah na nag-duet ang mag-sweetheart na Janine at Rayver kaya kilig-kiligan ang friends ng birthday boy.

Walang pinost na birthday greeting si Janine, meron lang siyang IG Story ng pic ng birthday cake ni Rayver.

Panay ang kanta sa party ng kuya ni Ray na si Rodjun. Nag-solo number din ang birthday boy ng walang kamatayang “All of Me” ni John Legend na paborito niyang kantahin.

Hindi kasama ni Gerald ang nobya nitong si Bea Alonzo. Ang nandu’n ay si Julia, na close din kay Rayver.

Sa nakita naming group pic nina Rayver, Janine at Enchong ay hindi kasali si Gerald, pero nandu’n si Julia kasama ang sister nitong si Dani Barretto with her husband, at si Rodjun with fiancée Dianne Medina.

Umiiwas kayang mapiktyuran together sina Gerald at Julia bilang natsitsismis nga sila after nilang magtambal sa pelikula nilang “Bet-ween Maybes” na kinunan sa Japan?

Mas bongga sana kung present din nu’ng gabing ‘yon si Bea, pero baka busy ang girlfriend ni Gerald na kaka-storycon lang ng gagawin nitong pelikula with Richard Gutierrez and Angelica Panganiban.

Barbie ‘di uurong sa ‘tikiman’ kay Paulo

May mga nagreak doon sa interview namin kay Barbie Imperial na sinabi nitong payag na siyang makatrabaho ulit si JM de Guzman.

Sey ng 20-anyos na Kapamilya actress, nga-yon ay okey na siyang maka-work ulit si JM, na dati ay sinabi niyang hindi muna siya handang makasama ulit sa trabaho.

Hindi raw sila friends nito, pero naka-move on na siya sa nangyari at masaya na siya ngayon kahit single siya.

Hirit ng ilang mga netizen, nag-iingay lang daw si Barbie dahil gusto nitong mapansin ni JM. Sana pinangatawanan na lang daw nito ang sinabi nito noon na ayaw nitong makatrabaho si JM.

Sagot ng ibang netizen, hindi ba puwedeng magbago ang isip ng isang tao lalo na tungkol sa trabaho?

Masama raw ba kung kalma na ito ngayon at malamig na ang ulo, hindi tulad dati na galit pa ito kay JM?

Actually, nabanggit din ni Barbie sa interview namin sa kanya sa Long Beach ng San Vicente sa Palawan na maging ang ex-boyfriend niyang si Paul Salas ay payag na rin siyang makatrabaho.

Ayun, may mga nagreak din at sinabing huwag nang idamay ni Barbie si Paul na nananahimik na sa GMA. Baka maungkat pa raw ang dati nilang isyu.

Siguro naman ay walang magrereak doon sa sinabi ni Barbie na crush niya si Paulo Avelino at gusto niya rin itong maka-partner.

Nang sundutin namin kung payag siyang makipag-love scene kay Paulo, ang sagot ng tisay na dalaga ay hanggang kissing scene pa lang siya at hindi pa siya nakikipag-love scene.

Nahihiya pa raw siya sa mga ganu’ng eksena, kaya sila ni JM ay hanggang halikan lang noon sa “Araw Gabi.”

Eh kung artistic love scene naman at si Paulo ang kaeksena niya, hindi naman siguro siya tatanggi, ‘di ba?

“Oo naman po. Oo na, umoo na ako!” natatawang sambit ng palaging aliw katsika na si Barbie.

Paulo pero hindi Avelino kundi si Paulo Angeles ang katambal ni Barbie sa iWant digital series na “Taiwan That You Love” na sa August daw mapapanood.