Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gerald kinuyog ng mga JoshLia fan

0 67

Sa gitna ng pagte-trending ngayon ng JoshLia (Joshua Garcia and Julia Barretto) dahil sa music video ni Moira na Paubaya, nag-post si Gerald Anderson ng makahulugang cryptic message. Idagdag pa nga rito ang patuloy na pag-init ng tsismis na diumano’y may relasyon talaga sila.

“Sometimes you have to stop worrying, wondering, doubting and just have faith that things will work out..” ang post ni Gerald.

Inulan ng comments ang naturang mensahe at ikinonek na naman ito kay Julia at syempre, damay rin si Joshua dahil noon pa naman ay magkakasama talaga sila sa issue at ginagawa silang love triangle.

Tanong ng isang netizen, “nag-break na naman ba kayo?”

Komento naman ng isa pang follower, “flaunt @juliabarretto bro not just this pic#justsaying.”

Ang isa namang netizen ay sinisi siya sa break-up ng JoshLia.“Ikaw ang may kasalanan kung bakit nag break ang Joshlia at kung bkit magkaaway sila @juliabarretto and @beaalonzo at si @chinitaprincess and @beaalonzo,” komento nito.

May naghinala namang nagseselos daw si Gerald sa JoshLia kaya worried ito ngayon.

“You watch the video of Joshua and Julia So you can hear Julia whispering to Joshua not to give up on her. Ikaw ang mag paubaya, give up on Julia cause they belong at each other. 15 millions people agreed , if you really love Julia give her her happiness,” komento naman ng isa pang netizen.

Pero marami rin naman ang nagpalakas ng loob kay Gerald at pinayuhan siyang wag nang intindihin ang mga bashers na walang magawa.

“Laban lang,” payo ng isa niyang fan.

Angel dedma libakin ang katabaan

Katakot-takot na pangba-bash ang naranasan ni Angel Locsin sa viral photo niya kung saan ay makikita ngang medyo malusog siya ngayon.

Pero marami rin naman ang nagtanggol sa kanya at komento nga nila, maganda pa rin daw ang aktres kahit tumaba.
Isa nga sa nagtanggol sa kanya ay si Ogie Diaz at aniya, tigilan na raw ang pangba-bash kay Angel dahil wala naman itong ginagawang masama sa kanila. As long as happy raw ang aktres ay okay lang kahit tumaba pa ito.

“Halimbawang ako manager ni Angel Locsin at ganyan siya kalaki sa edad niya, okay na ‘yan basta happy siya,” pahayag ni Ogie sa kanyang vlog.

“Alam mo sa panahon ngayon na nauuso ang anxiety attack, panic attack, depression, hindi para guluhin ko pa ‘yung utak ni Angel.

“Hindi ‘yung, ‘oy Angel, ako manager mo, makinig ka sa akin hindi tayo kikita hangga’t hindi ka pumapayat, hindi ka naglo-loose ng weight’. Eh, paano kung sagutin ako ni Angel ng ‘nakapag-invest na po ako, so ano po problema ko, happy po ako this way.’

“O di ba, at the end of the day, ikaw pa rin ang may concern sa sarili mo.

“Siguro kaya naikukumpara ay naabutan kasi si Angel noon na payat siya at naabutan siya ng mga tao noon na lumaki sya ngayon,” dagag pa ni Ogie.

Ayon kay Ogie ay dedma na raw si Angel sa mga nambabatikos sa kanyang figure.

“Hindi na nasasaktan sa panglilibak si Angel Locsin sa tagal niya rito sa industriya hindi na para iyakan pa ‘yan ni Angel. Pinanday na ‘yan ng panahon sa mga intriga sa kanya lalo na ‘yang katawan niya,” sey niya.

Ipinaliwanag din ng TV and radio host/comedian ang sanhi ng paglusog ni Angel. May lower back problem nga raw ang aktres at pumunta pa nga ng Singapore para magpa-opera na naging sanhi nga para mag-back out ito sa Darna.

“Hindi alam ng iba ‘yung hirap ni Angel kasi may lower back problem siya, di ba na pinunta pa niya ‘yan sa Singapore pero parang bale wala rin.

“Kaya nga di ba, naipasa niya ‘yung bato at ‘yung mga komiks na ibinigay sa kanya ni Mars Ravelo kay Liza (Soberano) tapos ipinasa naman ni Liza kay Jane (De Leon-bagong Darna).

“Si Angel sa sobrang sanay na siya sa showbiz hindi na ‘yan nagre-react at the end of the day happiness and Angel chose to be happy. Kung ganu’n ang build niya, e, baka happy si Angel, sino naman tayo para kumontra.

“Ngayon kung naiirita kayo sa nakikita ninyong picture ni Angel na malaki, e, di i-edit n’yo na lang ‘yung picture!” litanya ni Ogie.

Leave A Reply

Your email address will not be published.