Abante Tonite Interactive

Gerald may basbas sa pagbibikini ni Bea

359

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

Vavavoom! And how? Hindi nagtataka ang diva that you love kung bakit may nanalo na sa puso ni Gerald Anderson. Kasi naman, itong si Bea Alonzo, sa kanyang IG account, ipinakita talaga ang kanyang maalindog na katawan, huh!

In a two-piece cerulean bikini, marikit na marikit ang puwedeng maging the future Anderson at tiyak na ang mga papable papa na sinusundan siya sa kanyang social media site, may chance na nagalit ang mga dapat magalit. Ang mga tumitigas, tumigas at tumirik.

Habang tinitipa ko ang a­king pitak, mahigit 250K likes na ang larawan ni Bea at siyempre pa, ang love of my life niyang si Anderson, super love, love, love ang kanyang photo posting.
***

Karla walang paki sa ibang tao

Ang “Familia Blondina,” ang pelikula ni direk Jerry Sineneng kung saan ang istariray na bida ay ang nag-iisang Karla Estrada, may magandang mensahe tungkol sa body shaming.

Pahayag ni direk Jerry, “I am against it. We are all personally against plus size sha­ming. We are very careful not to offend anyone. ‘Yung mga scenes, hindi siya ginawa para lang makapanglait. Integ­ral siya sa narrative, at may dahilan kung bakit minsan ginagamit ang pagiging plus size ni Karla bilang bahagi of a comical scene. Of course, we sought her permission first bago naming i-shoot ang mga nasabing scenes. I hope walang ma-offend dahil sa buong pelikula, confidence at hope talaga ihahatid nito sa mga plus sized women.”

Ang opinion ni Queen Mother, “100 percent, I am against it. Ako kasi, kaya kong pagtawanan ang sarili ko kasi nga I am very comfortable in my own skin at mahal ko ang sarili. Kahit pa may nanlalait sa panlabas kong anyo, sinisigurado ko, ang panloob ko, ‘yung bra, ang sikip ngayon! Hindi ako makahinga Hahahaha! Jo­king aside, ‘yung puso ko, hindi maapek­tuhan, kasi lamang ang kabutihan at pagiging mabuti.”

Dagdag pa ni Estrada, “Sa mga kasing sexy ko, it is about time na huwag iisipin ang sinasabi ng ibang tao. Hindi sila, hindi iyan ang mahalaga. Hindi sila ang tunay na buhay mo. Ang tunay na buhay mo ay ang pamilya mong nagmamahal sa iyo na tapat at totoo.”

Aniya pa, “Before this movie, may mga photo pos­ting na ako wearing different bikinis. Karapatan natin to enjoy and flaunt our curves dahil nga pinaghirapan ko iyan. Ilang burp, ilang impatso, bago ko iyan na-achieve. Hahahaha! Walang lokohan, the way you carry yourself, the way you respect yourself and the way you love yourself, yang mga sinabi kong iyan ang mga pinaka-importante. Self love is important, At sa totoo lang, sabi nga nila, real women have curves.” Ipapalabas ang “Familia Blondina” sa Pebrero 27.
***

Mas masarap mahalin ang bading kaysa matrona

Sa program ni Mr. Fu, tiyak magiging kontro­bersyal ang interview ni pastry chef Alvin Nakasi, Bakit kaniyo? Aba inamin niya ba naman sa panayam na mas madali at masarap mahalin ang bading kesa sa matrona.

Inamin niyang tatlong beses na siyang nagmahal ng bading, at kung siya ay ulam, siya ay masarsa at higit sa lahat, ayaw niyang “nilulunok,” mas gusto niya ang “pinapamukha!” Kung ano ang nilulunok, kung sama loob o galit, o kung milk of human kindness, kayo na ang bahalang mag-isip kung ang gusto niyang ipamukha.

Hanapin niyo ang page ni Mr. Fu para masaksihan ang nakakaliting panayam.