Abante Tonite Interactive

Gerald mga lalaki ang ka-date

617

Kontrobersyal na naman ngayon ang mga mag-ex na sina Gerald Anderson-Bea Alonzo and Julia Barretto-Joshua Garcia dahil mag-isa silang dumalo sa katatapos lamang na ABS-CBN Ball 2019 held last Saturday sa Shangri-La The Fort.

Matatandaang naging kontrobersyal ang apat recently dahil nga sa break-up nila at na-involve pa sa triangle sina Bea, Gerald and Julia.

Sa panayam kay Joshua ng press na present sa ball, aniya ay wala raw siya talagang niyaya to be his date that night at happy naman daw siya na mag-isa.

Matatandaang last year ay sila pang dalawa ni Juiia ang magkapareha sa ABS-CBN Ball at kainitan pa noon ng JoshLia loveteam.

For 3 consecutive years naman ay sina Gerald at Bea ang magkasamang rumarampa sa red carpet ng taunang ball at ito ang kauna-unahang pagkakataon rumampa nang solo ang aktres after almost 10 years.

Before Gerald, matatandaang ang ex-boyfriend na si Zanjoe Marudo ang ka-date ni Bea sa Star Magic Ball.

Ayon kay Gerald, ang ka-date niya ay ang kanyang mga male co-stars sa upcoming action teleserye na sina Nash Aguas, Elmo Magalona, Yves Flores and Jerome Ponce.

Sa interview naman ni Bea, sinabi niyang “empowering” and “liberating” pala na mag-solo sa ball.

Ken kabado kina Rayver-Sarah

Sobrang thankful ni Ken Chan that he was chosen as one of the journey hosts of The Clash’s Season 2 kasama ang ka-love team niyang si Rita Daniela.

“Dati-dati, sa Walang Tulugan po ako nagho-host, ngayon, The Clash na, grabe!” tuwang-tuwang sabi ni Ken sa presscon.

“Hindi ko po akalain. Ang sarap sa pakiramdam,” sambit pa ni Ken.

Aminado siyang kabadong-kabado raw siya nang unang sumalang sila sa The Clash taping dahil ang gagaling daw ng mga kasamahan nilang The Clash Masters na sina Rayver Cruz and Julie Anne San Jose.

“Bilang journey hosts po, hindi natin maiwasan na may mga matatanggal, may matitira, so nandito po kami ni Rita, journey hosts, and sina Rayver, kaming lahat po nandito para pagaanin ang loob nila, bigyan pa sila ng hope na kahit matapos na ‘yung journey nila rito sa The Clash, eh, kahit sa labas, pagpatuloy pa rin nila,” sey ni Ken.

Bilang journey hosts, ibabahagi ng RitKen ang off-cam and backstage stories ng mga clashers at ani Ken, each of the contestant has an inspiring stories to tell.

Ang The Clash audition ay ginanap worldwide at sa libo-libong nag-audition ay napili na ang Top 64 Clashers na siyang maglalaban-laban para maging Grand Champion.

Nagbabalik naman bilang mga Clash judges sina Lani Misalucha, Christian Bautista and Ai Ai delas Alas.

Magsisimua na ang The Clash ngayong Sept. 21 at mapapanood every Saturday after Daddy’s Gurl and every Sunday after Daig Kayo ng Lola Ko on GMA-7.

Jean, Alden nagkaiyakan

Tuwang-tuwa si Jean Garcia na makasamang muli ang anak-anakang si Alden Richards sa The Gift dahil matagal-tagal na rin silang hindi nagkakatrabaho after One True Love in 2012.

Una silang nagkasama sa Alakdana in 2011 and that time ay hindi pa ganu’n kalaking artista si Alden kaya naman masayang-masaya si Jean para sa aktor ngayong sobrang sikat na ito.

Pero ani Jean, hindi naman daw siya nagugulat na naging isang malaking artista na ngayon si Alden na may titulo nang Asia’s Multimedia Star.

“Kasi nun’g Alakdana, first soap niya, Alakdana magkasama na kami. Tapos ‘yung pangalawa, One True Love, magkasama pa rin kaming dalawa, so nakita ko kung papa’no nag-grow siya as an actor. Noon pa man, magaling na siya talagang umarte. Isa siya sa paborito ko na young stars dito sa GMA.

Sa pictorial pa lang daw for the series ay nagkaiyakan na sila dahil ganu’n nila na-miss ang isa’t isa at ganu’n sila ka-happy na magkasamang muli.

Samantala, ngayong gabi (Monday, Sept. 16) na ang pinakaabangang pilot episode ng The Gift sa GMA Telebabad. Kasama rin sa serye sina Jo Berry, Elizabeth Oropesa, Rochelle Pangilinan, Martin del Rosario, Mikee Quintos, Mikoy Morales, Thia Thomalia at marami pang iba.

INIA VIVAR